Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Dating Aktres Ibinahagi Ang Naging Karanasan Sa Pag-Apply Bilang Artista Sa Amerika

Kamakailan lang ay nakapanayam ng aktor na si Paolo Contis ang dating batikan na kontrabidang aktres na si Princess Punzalan sa online show na “Just In”. Sa panayam na ito kay Princess ay ibinahagi niya ang naging karanasan niya ng mag-apply siya bilang artista sa bansang Amerika kung saan siya naninirahan na ngayon.




Aminado ang dating aktres ng Philippine showbiz industry na hindi madali ang proseso sa pagiging isang artista sa nasabing bansa, at naikuwento din niya kung gaano kahirap bago mo makuha ang isang role.

Photo Credit: realprincesspunzalan/Instagram

“Kasi ang labanan ng pag-aartista rito sa US parang Miss Universe. Talagang libo-libo ang artista na naglalaban for that one role, so pagalingan talaga”, paunang saad ni Princess.
Dagdag pa niya,

Photo Credit: realprincesspunzalan/Instagram

“Actually I never went to school for acting pero dito kinailangan kong mag-aral. I’m coaching with someone, his name is Billy Hufsey at marami siyang kinorek sa mga bad habits ko bilang artista, tinuruan niya ako ng mga style na kung paano gamitin ang camera at paano manatili dun sa apat na sulok ng camera. There are always new things that we can learn.”

Photo Credit: realprincesspunzalan/Instagram

Ayon nga sa aktres, kung noon ay naging isa siyang artista ng hindi pumapasok sa school for acting, ngayon na nasa Amerika siya at nag-apply na maging isang artista ay kinailangan niyang mag-aral, kung saan ang kanyang naging coach sa kanyang acting school ay nagngangalang Billy Hufsey at marami nga umano itong itinama sa mga maling gawain niya bilang isang artista.

Photo Credit: realprincesspunzalan/Instagram

Isa pa nga sa mga natanong ni Paolo kay Princess ay kung ano ang pagkakaiba ng pagtatrabaho sa Pilipinas sa Amerika pagdating sa pag-aartista.

“Isang bagay na yung alam mo kung kelan ka uuwi. Alam mo kung anong oras ka uuwi. 8 hours ang work and then pag lumagpas ng 8 hours may overtime, sila mismo marunong na mag-estimate kung ilang eksena ang kakayanin sa walong oras.”

“Dito satin hindi mo alam kung kailan ka uuwi at kung uuwi kaba. Magdala kana ng mga gamit mo dahil hindi mo alam baka kailangan mong maligo dun sa shooting sa location”, ang naging kasagutan naman ng aktres.

Kasama sa cast ng pelikulang Yellow Rose na idinirek ng half Filipino-American filmmaker na si Diane Paragas si Princess, kung saan ay makakasama rin niya ang kapwa Pinay na si Lea Salongga.

Matatandaan na isa sa mga hindi malilimutan na kontrabidang karakter na ginampanan noon ni Princess ay ang pagiging Selina Perreira-Matias sa serye noon na “Mula sa Puso” na pinagbidahan naman ni Claudine Baretto at yumao ng aktor na si Rico Yan.




Si Princess Punzalan ay ikinasal noon kay Wowowin host Willie Revillame pero nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama. Ilang taon ang lumipas ay muli namang nagpakasal ang aktres, at ito nga ay sa katauhan na ng kanyang mister ngayo na si Jason Field na isang American marketing professional.

Maliban sa pagiging isang artista sa bansang Amerika, ay isa na ring nurse ngayon sa nasabing bansa si Princess Punzalan.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento