Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Milyonaryang Pinay Na Yaya Sa Dubai Hindi Pa rin Iiwan Ang Amo At Trabaho

Si Rosie Vargas ay isang Overseas Filipino Worker. Siya ay nagtatrabaho bilang isang yaya sa ibang bansa, kung saan ay bata pa lamang ang kanyang mga alaga noon ng dumating at magtrabaho siya sa kanyang kasalukuyang amo, kaya naman siya na talaga ang nagpalaki sa mga anak ng mga ito.




Ayon kay Rosie, maswerte siya dahil nakatagpo siya ng mabait na amo, na kung saan pamilya ang turing sa kanya at hindi lang basta kasambahay.

Image Credit via Google

Pag-amin naman niya, bilang isang tagapag-alaga, ay mas higit pa ang naibibigay niyang pagmamahal sa kanyang mga alaga, kaysa sa tunay na ina ng mga ito, dahil nga sa abala ang mga magulang ng mga ito sa kanilang trabaho. Saad pa niya itinuturing siya ng kanyang mga alaga bilang isang special auntie ng mga ito, at hind inga isang helper.

Image Credit via Google

Kuwento ni Rosie, ilang mga bansa na rin ang kanyang napuntahan at napagtrabahuan bilang isang OFW, kagaya na lamang ng Hongking, Singapore at India. Ngunit sa bansang Dubai umano siya nagtagal dahil sa dito siya nakatagpo ng amo na maayos at maganda ang pakikitungo sa kanya.

Image Credit via Google

Dahil din sa magandang kalagayan niya sa kanyang amo ngayon, ay nagawa ni Rosie na makapag-ipon hanggang sa umabot na nga ng isang milyon ang kanyang ipon.
“Ako kasi kapag nag-aalaga ng bata minamahal ko eh. Iba talaga kapag ikaw ang nakagisnan niya mula noong maliit. The way ng pagmamahal mo sa kaniya, mas sobra pa minsan ‘yung pagmamahal ko kaysa sa nanay niya.”

Image Credit via Google

“Sinasabi nila, ‘Pamilya tayo, wala tayong taguan. Kung ano ‘yung problema mo problema namin. ‘Pag may problem sa bahay pag-usapan natin. At saka huwag kang magtago.’ Talagang understanding ‘yung amo ko,'” paglalahad ni Rosie.

Samantala, ayon naman kay Rosie sa kabila ng siya ay nakapag-ipon na ng malaking halaga na maari na niyang ipangsimula ng maayos na buhay sa Pilipinas, ay hindi pa rin umano siya aalis sa kanyang trabaho. Ito nga ay dahil sa napamahal na umano siya sa kanyang mga amo, lalo na nga sa mga alaga niya na halos siya na ang nagpalaki.

Saad pa niya, mas mahalaga pa sa pera ang naging pagmamahal niya sa kanyang amo at alaga, kaya naman hindi niya magawang iwanan ang mga ito.




“Yung mga employer ko po sila lahat talagang sobra pa sa milyon yan e, yung siguro dalhin ko habang buhay itong mga employer ko sa mga bata dahil sa magandang pagsasamahan namin dito. Parang yung puso ko nandito eh, malakas pa naman ako. Hanggang malakas ako dito ako.”

Si Rosie ay mayroong anak sa Pilipinas, pero ayon sa kanya ay naiintindihan siya nito sa kagustuhan niya na patuloy na magtrabaho sa Dubai.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento