Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang isa sa mga sikat at popular na fast food chain sa ating bansa, at ito nga ay ang Jolibee, ito ay dahil sa kumalat na isyu patungkol sa kanila kung saan isa ngang customer nila ang nagpost sa social media na nagreklamo na may kasamang fried towel ang Jolibee food na inorder niya imbis na ito ay fried chicken.
Sa naging pagkalat ng isyu na ito, ay marami agad na mga netizens ang nagbigay ng iba’t iba nilang reaksyon. May ibang agad na nagbigay ng negatibong komento, ngunit mayroon namang ilan na ipinagtanggol ang Jolibee patungkol sa isyu nito.
Kahit naman nagkaroon ng ganitong isyu ang nasabing fast food chain company, ay marami pa rin ang mga tumatangkilik sa kanilang serbisyo at produkto, lalo na nga ang mga loyal customers na nila.
Talaga namang tumatak sa puso ng marami ang Jolibee lalo na sa tagline nito na “Bida ang Saya”, na ang hatid nga naman sa bawat pamilya na angsasalo salo dito ay kasiyahan.
Ngunit kamakailan lamang, ay tila kalungkutan ang naramdaman ng mga crew ng isang branch ng nasabing fast food chain, ito nga ay matapos nilang mabasa ang liham na isinulat ng isa nilang customer sa tissue.
Tunay namang nakalulungkot ang nilalaman ng liham, dahil sa naging tila pamamaalam ito ng isang babaeng customer, kung saan ay idinaan nga sa pagsulat sa tissue ang kanyang kalungkutan at bigat ng loob na nararamdaman.
Isang staff naman ng naturang branch ng Jolibee na kinilalang si Mark Noguera ang nagbahagi ng naturang liham sa kanyang social media account. Ayon nga sa naging pagbabahagi niya, tila nasa 20-taong gulang lamang ang babaeng customer nila na nag-iwan ng tissue na may nakakalungkot na sulat,
kung saan ito nga umano ay umupo sa isang bakanteng lamesa mga bandang alas tres ng hapon sa kanilang branch sa Jolibee Signal Village na matatagpuan sa Taguig City.
Matapos umano kumain ng babae at lisanin ang kanilang branch, ay agad namang pinuntahan ni mark ang lamesa na kinainan nito upang ito nga ay linisin, at doon na nga umano niya nakita ang isang tissue na may sulat. Sa kanyang pagtataka, ay binasa nga niya ang nakasulat sa tissue at doon na nga niya naramdaman ang kalungkutan para sa babaeng customer nila.
“Huling Jolibee ko na to . Pinagbawalan na akong kumain ng unhealthy foods ng doctor ko. Na-diagnosed kasi ako ng C – R stage 2, sana gumaling agada ko para di ko masyadong mamissang pagkain dito. Thank you Jolibee sa uulitin ”, ang kabuuang mensahe nga na nakasulat sa tissue na nakita ng Jolibee crew.
Nang mabasa nga ni Mark at ng mga kapwa niya crew ang naturang mensahe ay nadurog ang kanilang puso, dahil nga sa malungkot na mensahe ng kanilang babaeng customer.
Nang ibahagi naman ni Mark ang liham kuwento na ito sa kanyang Facebook account ay nilakipan niya ito ng mensahe para sa hiling nila na kagalingan ng babaeng customer nila.
“To ate customer na nakasalamin na nasa 20+ pa lang yung age at kumain kanina sa Jolibee Signal Village around 3pm kanina, I recognize your face kasi ako po yung nagserve ng pagkain nyo,
lahat po ng sakit gumagaling pray lang po tayo ng pray kay God kasi siya yung great healer of all. Malalagpasan niyo po yan at gagaling kayo claim it po. On behalf of my JBSV family, ipapanalangin po namin ang agaran niyong pag galing and we wanna give you warm hugs if possible.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento