Minsan nga naman ay may mga pangyayari sa ating buhay na sa kabila ng napakahirap nito, ay nagiging daan naman ito upang mas magkaroon tayo ng maganda at mas matagumpay na buhay sa hinaharap.
Tila ganito nga ang kuwento ng isang lalaki na ngayon ay scientist na sa bansang Amerika. Dahil noon sa buhay ng kanyang kabataan ay naranasan niya ang napakahirap na sitwasyon, ito nga ay abandunahin siya at kanyang kapatid ng kanilang mga magulang,
kung saan ay naranasan nila ang lumaki na walang nag-aaruga sa kanila.
Ang lalaki ngang ito ay kinilalang si Fernando Kuenel, isang scientist ngayon sa bansang Amerika.
Ayon sa kanya, noong siya ay anim na taong gulang pa lamang at iniwan na siya ng kanyang mga magulang sa bahay ampunan. At kasama nga niya na iniwan doon ay ang kapatid niya.
Maliban pa sa abandunahin ng magulang, ay naranasan din umano ni Fernando ang manirahan at magpalaboy-laboy sa lansangan, ito nga ay dahil noong siya ay sampung taong gulang na ay tumakas siya sa ampunan.
Sa lansangan nga ay naranasan niya ang mangalakal ng basura para lamang maitawid ang kumakalam niyang sikmura, at sa gabi naman ay sa kariton siya natutulog.
Muli naman umanong nagbalik sa bahay ampunan si Fernando noong siya ay labing-tatlong taong gulang na, ngunit napag-alaman niya na ang kanyang kapatid ay wala na roon sapagkat may Amerikano na umanong nag-ampon dito at plano nga itong dalhin sa Amerika.
Hindi naman nagtagal ay nagbalik sa ampunan ang kapatid ni Fernando, ito nga ay dahil sa hindi naging maayos ang buhay nito sa mga nag-ampon dito.
Hindi naman inasahan ni Fernando at ng kanyang kapatid na darating ang araw na may pamilya pang aampon sa kanila, at ito nga ang magpapabago sa takbo ng buhay nilang magkapatid.
Isa ngang magandang balita ang dumating sa magkapatid, ito nga ay ng ampunin sila ng pamilya Kuehnel. Naging maganda ang kanilang buhay sa nasabing pamilya, kung saan maliban sa itinuring sila nitong tunay na mga anak ay binigyan pa sila ng magandang buhay na magkapatid.
Sa tulong ng kanyang poster parents ay nakabalik eskwela si Fernando at ang kanyang kapatid. Nagtapos siya ng kursong Nursing samantala Business Administration naman kinuhang kurso ng kanyang kapatid.
Dahil naman sa naging pagsusumikap at ipinamalas na kasipagan ni Fernando at ng kapatid niya ay pareho nilang natapos ang kani-kanilang kurso na may parangal na Summa Cum Laude.
Sa ngayon ay isa ng scientist sa Novarist si Fernando at founder na din siya ng isang charity na ang layunin ay tulungan ang mga batang palaboy sa lansangan, ito nga ay ang K-Charity (Kabataang Charity).
“You have to determine what success is to you. It doesn’t have to be a million of dollars. I tell my kids, there’s no problems that can’t be solved. You just won’t like the solution, but the problem can be solved. The takeaway is, you do have to work hard”, ani Fernando.
Maliban naman sa magandang buhay at karera na tinatamasa ngayon ni Fernando, ay may sarili na rin siyang pamilya at sila nga ay naninirahan na sa Dania Beach, Florida.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento