Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Manila Girl At Aeta Ang Marami Pa Ring Duda Sa Kanilang Pagmamahalan

Kamakailan lamang ay may magkasintahan na naging agaw-pansin sa social media, ito nga ay dahil sa kabila ng malakng pagkakaiba nila sa personal Na kaanyuan ay hindi naman ito naging hadlang upang sila ay magmahalan. Sa kabila nito ay hindi naman mapigilan ang ilang mga netizens na hindi pagdudahan ang pagmamahal ng magkasintahan.




Ang magkasintahan nga na ito na nag-viral kamakailan lamang sa social media ay nakilalang sina Mariano G o mas kilala bilang si Yano at ang kanyang nobyang si Cindy o Cinderla Salilican ang buong pangalan.

Photo Credit: cndssllcn/Instagram

Ayon sa ilang mga naging ulat, nagkakilala sina Yano at Cindy ng makipag-duet ang dalaga sa binatang Aeta na si Yano. Hindi naman nila inakala na ang TikTok video nila na ito ay magbaviral, at dito na nga umano nagsimula ang pagkakaroon nila ng madalas na komunikasyon hanggang sa mahulog na ang damdamin nila sa isa’t isa.

Photo Credit: cndssllcn/Instagram

Sa programang “Stories of Hope” ay nakapanayam ang magkasintahan at dito nga ay kanilang pinatuyan na tunay ngang sa pag-ibig ay hindi kailanman mahalaga ang panlabas na kaanyuan sa pusong wagas na nagmamahal.

Photo Credit: cndssllcn/Instagram

“Kahit ganito po ako, parang gusto ko lang is maging kami tapos sabi ko, pwede ba kitang tawaging mahal? Tapos nagalit po siya sa akin noon. Nagalit siya sabi niya, hoy!tumigil ka”, ang naging salaysay nga ni Yano sa panayam sa kanya.

Photo Credit: cndssllcn/Instagram

Dahil sa taga Pampangga si Yano at si Cindy naman ay taga Maynila ay hindi naging madali ang panliligaw ng binata, ngunit sa kabila nito ay kanyang pinatunayan na seryoso siya sa panliligaw sa dalagang taga Maynila kaya naman pinursige niya talaga ito.

Photo Credit: cndssllcn/Instagram

Ibinahagi naman ni Cindy kung paaano naging kapursigido si Yano na makuha ang kanyang matamis na Oo. “Noong nanliligaw pa lang po si Yano, talagang masipag po siya kahit po malayo yung Maynila sa Pampanga.

Talagang sinisikap niya po na pumunta sa amin and then nagkaka-developan na nga po kami. Doob ko na po siya nag-start na sagutin”, ang naginv pahayag naman ni Cindy.

Pag-amin naman ni Yano, hindi niya inakala na sasagutin siya ni Cindy dahil sa talaga namang nakapaganda ng kanyang nobya. Labis nga ang naging kasiyahan niya ng sagutin na soya ni Cindy at maging magkasintahan na sila.




Kuwento naman ng magkasintahan, marami pa rin ang nagdududa sa kanilang relasyon at may iba pa ngang kinukutya sila at tinatawag silang “Beauty amd the Beast”. Ngunit magkaganon man ay hindi na ito alintana ng magkasintahan, dahil ang tanging mahalaga sa kanila ay ang pagmamahal nila sa isa’t isa.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento