Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Tunghayan Ang Nakakamanghang “Love Story”Ng Mag-High School Sweetheart Na Kapwa Doktor Ang Propesyon

Lahat ng relasyon ay dumadaan sa pagsubok na siya rin namang nagpapatatag pa nito lalo na nga kung ang dalawang taong nagmamahalan ay parehong hindi bumibitaw sa pagmamahal nila sa isa’t isa.

Image Credit via Google

Minsan may mga magkarelasyon din na talaga namang hahangaan dahil hindi lamang ang tibay ng kanilang pagmamahalan ang kanilang pinagtutulungan, kundi maging ang pagtupad ng kanilang mga pangarap sa buhay ay magkasama rin nilang tutuparin.




Halimbawa na nga lamang nito ay kuwento ng mag-asawa, na sa loob ng labing-limang taon nilang magkarelasyon ay sabay nilang binuo ang kanilang pangarap kahit pa nga ba dumaan din sa pagsubok ang kanilang relasyong dalawa.

Image Credit via Google

Ang mag-asawa ngang ito ay sina Jobel Fernandez at Gerard Santos, na umibig sa isa’t isa noong sila ay high school pa lamang. Kahit naman maagang nagkarelasyon, ay sabay naman nilang binigyang katuparan ang pangarap nila sa buhay, dahil ginawa nilang inspirasyon ang isa’t isa maliban pa sa kanilang pamilya.

Image Credit via Google

Ayon kay Gerard, madalas nilang alalahanin ng kanyang asawa ang mga panahon na ipinapangako pa lamang nila sa isa’t isa na sila’y sabay na magtatagumpay sa kanilang karera sa buhay. Sila ngang mag-asawa ay pareho na kumukuha ng kursong medisina noon, at ngayon nga ay pareho na riling ganap na doktor.

Image Credit via Google

Dagdag pa ng mag-asawa, pangako rin nila noon sa isa’t isa ay ang maikasal sila sa isang Christian Wedding atmakapagpatayo ng kanilang sariling tahanan sa tamang panahon.

Image Credit via Google

Ngunit tulad nga ng ibang magkarelasyon, ang kanilang pag-iibigan noon ay siunubok ng panahon. May panahon na nagkahiwalay sila, ngunit sa kabila nito ay mas naging matimbang pa rin ang pagmamahal sa kanilang dalawa kaya naman hindi nagtagal ay naayos rin ang kanilang relasyon at muli ngang itinuloy ang kanilang pagmamahalan.

Image Credit via Google

Sa ngayon nga ay mag-asawa na sina Gerard at Jobel at pareho na rin silang doktor. Ang kanilang mga pinangako noon sa isa’t isa ay nabigyan na nila ng katuparan.

Payo naman nilang mag-asawa sa lahat ng magkasintahan ay hangga’t nandyan ang pagmamahal ay huwasg sukuan ang isa’t isa at matuto ngang maglaan ng oras sa taong mahal mo,




ganun din ang oras para sa iyong sarili dahik sa mas magiging maayos ang relasyon kung mananatili ang “give” at “take” sa isa’t isa. Inspirasyon naman ang naging hatid nina Jobel at Gerard para sa lahat ng magkarelasyon.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento