Halos apat na taon na rin ang matuling lumipas magmula ng mag-viral sa social media ang naging stolen shot noon sa dalagang katutubo na si Rita Gaviola ng isang photographer ng ito ay magtungo sa Lucban, Quezon kung tagasaan nga ang naturang dalaga.
Matatandaan nga na binansagan ang dalaga na “Badjao Girl” at ang kanyang stolen shot na larawan ay naging agaw-pansin sa marami dahil sa kanyang taglay na kagandahan.
Kung babalikan nga ang buhay noon ni Rita ay talaga namang napakahirap ng pamumuhay ng pamilya nito, kaya naman malaki ang kanyang naging pasasalamat sa taong kumuha ng kanyang larawan at mga taong nabighani sa kanyang kagandahan dahilan upang siya ay mag-viral at ito nga ang naging daan upang mabigyan siya ng tyansa na mabago ang takbo ng kanilang pamumuhay.
Naging daan nga ang photographer na kumuha ng larawan ni Rita na si Topher Quinto Burgos upang maiba ang estado ng pamumuhay ng pamilya ng dalaga.
Kung noon dahil sa kahirapan ng buhay ay kinakailangan pang mamalimos ni Rita, upang makatulong sa kanyang pamilya na maituwid ang pang-araw-araw nila, ngayon nga ay maginhawa na ang pamumuhay nila.
Dahil nga sa larawan niya na nag-viral napasok niya ang mundo ng showbiz. Nagkaroon siya ng mga guesting at proyekto, na naging daan naman upang unti-unti niyang matupad ang mga pangarap niya para sa pamilya kagaya na lamang ng maipatayo niya ang kanilang sariling tahanan at makabalik siya sa pag-aaral.
Sa ngayon ay hindi ganoon ka-aktibo sa pag-aartista si Rita, dahil ayon sa dalaga ay mas prayoridad niya ang matapos ang kanyang pag-aaral at matupad ang pangarap niya na maging isang guro balang araw para matulungan ang mga kapwa niya katutubo na magkaroon ng mataas na edukasyon upang mapa-unlad din ang buhay ng mga ito.
Kahit naman hindi aktibo sa kanyang showbiz career, ay patuloy pa rin naman ang pagtanggap ni Rita ng mga proyekto patungkol sa pagmomodelo.
Makikita naman ngayon sa dalaga, na masaya siya sa buhay na tinatamasa nila ngayon ng kanyang pamilya, laolo na’t mas naibibigay na niya ngayon sa kanyang mga magulang at kapatid ang mga pangangailangan nilang pamilya na hindina nila kinakailangan pang mamalimos sa kalsada.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento