Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Wais Na Misis Ng Isang Construction Worker Nakapatayo Ng Bahay Dahil “50 Ipon Challenge”

Marami sa atin ang nangangarap na umasenso sa buhay at mabigyan ng katuparan ang kanilang mga nais, ngunit minsan nga ito ay hindi natin agad nakakamtan dahil sa mga ilang kadahilanan.

Ang iba ay dahil sa kakulangan ng pagkakakitaan at may iba naman na sobra man ang kinikita, ay kulang naman ang kaalaman sa tamang pag-ba-budget ng kanilang kita.




Mas inuuna nga ng iba ang pag-gastusan ang mga bagay na hindi naman ganun kahalaga, kaysa ang mag-impok upang mas maging madali ang mabigyan ng katuparan ang mga pinapangarap nila.

Image Credit via Google

Samantala, sa panahon ngayon ay nauuso na nga ang iba’t ibang “ipon challenge”, kung saan ito ay nagsilabasan na sa social media at marami nan gang netizens ang gumawa at nagpakita kung gaano ang nadama nilang kasiyahan ng mapagtagumpayan nila ang makapag-ipon ng pera.

Image Credit via Google

Halimbawa na nga lamang nito ay ang isang wais ng isang construction worker na kamakailan lamang ay nag-viral dahil sa kanyang ipinamalas na pagiging masinop sa pera ay nakapagpagawa sila ng kanilang tahanan.

Image Credit via Google

Kinilala ang misis na ito na si Kember Flores Casabuena, isang fulltime housewife. Ayon sa ulat, si Kember ay madalas lamang na nasa loob ng kanilang tahanan dahil wala naman umano siyang trabahao, samantala ang mister naman niya na kinilalang si Alphie Castante Olvis ay nagtatrabaho bilang isang construction worker.

Image Credit via Google

Batid natin na ang pagko-konstraksyon ay hindi naman ganun kalaki ang sinasahod, ngunit sa kabila nito ay pangarap talaga nilang mag-asawa na makapagpundar ng kanilang sariling tahanan at sa kahit papaano ay umasenso na ang kanilang buhay.

Image Credit via Google

Isa si Kember sa sumubok ng ipon challenge na kung tawagin ay invisible 50 pesos challenge, kung saan ang bawat singkwenta pesos na dadaan sa kanyang palad ay kanyang itinatabi bilang ipon, at ito nga ay kanyang napanood sa isang segment ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Aminado naman si Kember na nung una ay nahirapan siya sa pagtatabi ng 50-pesos lalo na kapag dumarating ang kagipitan sa kanila ng asawa, ngunit dahil sa suportado siya ng asawa sa pag-iimpok na ito na kanyang ginagawa ay hindi niya ito sinukuan at ipinagpatuloy nga lamang ang kanyang ginagawa.

Nung una umano ay sa isang kahon ng lumang sapatos lamang nag-iipon si Kember ng tigsi-singkwenta, ngunit ng ito nga ay mapuno na ay nagdesisyon sila na ilipat ito sa timba ng pintura. Laking gulat naman nila ng mapuno nila ang nasabing timba, at napakarami na pala ng perang kanyang naipon at ito nga ay sasapat na sa bahay na plano nilang ipinagawa.




Pinatunayan naman ng kuwento na ito ng mag-asawa na kahit gaano pa kaliit ang kinikita natin sa ating hanap-buhay ay hindi pa rin imposible na tayo ay makapag-impok o makapag-ipon, ito ay nasa tamang diskarte lang at pag-budget ng perang kinikita natin.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento