Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Tunghayan Ang Kakaibang Pamamaraan Ng Isang Hardworking Tatay sa Pagbebenta Ng Hotdog Sandwich Gamit Ang Isang Backpack

Batid natin kung gaano ang pagsisikap na ginagawa ng isang magulang para mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya at masustentuhan ano man ang pangangailangan ng mga ito. Kailanman ay hindi nila alintana ang nararanasan nilang hirap at pagod, at patuloy ngang nagsuusmikap at lumalaban sa buhay.




Tunay namang nakabibilib ang kakayahan ng mga magulang, at ang iba pa nga sa kanila sa kabila ng pagkakaroon na ng kapansanan o karamdaman ay hindi nila ito iniinda, at patuloy nga lamang sa trabaho na kanilang ginagawa para lamang may maiuwing kita para sa kanilang pamilya.

Image Credit via Google

Halimbawa na nga lamang nito ay ang isang Tatay na kamakailan lamang ay naging viral sa social media, kung saan ay isang concerned netizens ngg ang nagbahagi ng patungkol dito sa kanyang Facebook post.

Image Credit via Google

Ayon sa netizens na kinilalang si Neil Bote, ang naturang Tatay ay si Mang Bobby na noon ay naranasan ng atakihin sa puso ngunit imbis na magpahinga matapos gumaling, ay nagbalik ito sa pagtatrabaho.

Image Credit via Google

Ang trabaho ni Mang Bobby ay ang paglalako ng Hotdog sandwich gamit ang kakaiba nitong hotdog stand, kung saan ay halos araw-araw nga itong nag-iikot sa mga kalye sa Makati City.

Image Credit via Google

Paglalahad ni Neil lubos siyang namangha ng makasalubong niya si Mang Bob habang itong naglalako, at ng ito nga ay huminto ay doon siya nagkaroon na makakuwentuhan ito saglit.

Image Credit via Google

Dito na nga napagalaman ni Neil na ang patungkol sa naging pagka-atake nito noon, at ang ilang mga dahilan kung bakit imbis na magpahinga na sa pagtatrabaho ay kinakailangan pa rin nitong kumayod.

Sa pakikipagkuwentuhan din niya kay Mang Bob, ay kanyang napag-alaman na ang mobile hotdog stand na gamit nito sa paglalako ay proyekto at diseny ng isang foreign NGO o kilala nga sa tawag na National Commission on Indigenous People na ang layunin ay matulungan ang mga kagaya ni Mang Bob na mabigyan sila ng pagkakataon na makapaghanap-buhay.

Nagpasya si Neil na ibahagi sa kanyang social media ang kuwento ni Mang Bob dahil sa nakita niyang hirap nito. At sa naging post nga niya, ay kanyang inilakip ang mensahe na paghikayat sa ibang mga netizens na tangkilikin ang mga paninda ni Mang Bob sakali mang makasalubong ito sa daan.

Ibinahagi rin ni Neil sa kanyang Facebook post na isang inspirasyon para sa lahat ang tulad ni Mang Bob na nagpapatunay nga na hindi hadlang ang edad o kapansanan ng isang tao upang makapaghanapbuhay.




Ikinatuwa naman ng mga netizens ang kakaibang gimik ni Mang Bob sa pahgtitinda ng hotdog sandwich, ngunit may ilang netizens din na nabahala para sa kanyang kalusugan lalo na’t tila mabigat ang hotdog stand na kanyang dala-dala sa tuwing siya ay nagtitinda.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento