Sa buhay ng isang babae, ay malaking biyayang maituturing ang pagiging isang ina. Tunay na walang pagsidlan na kasiyahan ang nadarama ng isang babae kapag sa buhay niya ay dumating ang pagkakataon na siya ay mabiyayaan ng sanggol na kanyang ngang dadalhin ng siyam na buwan sa kanyang sinapupunan hanggang sa ito nga ay kanyang maisilang.
Ganito nga kung ilarawan ng first time mom na si Desiree del Valle, ang naging pagdating sa buhay nilang mag-asawa ng panganay nilang anak, na noon lamang ika-4 ng Oktubre niya isinilang.
Kamakailan nga lamang sa latest post ng aktres na si Desiree del Valle, ay isang masayang balita para sa kanila ng kanyang asawang aktor na si Boom Labrusca ang kanyang inanusyo sa kanyang Instagram account. Ito nga ay ang kanyang naging ligtas na pagsilang, sa panganay na anak nilang mag-asawa.
Sa IG post ni Desiree, ay masaya niyang ibinahagi na makalipas nga ang ilang buwan na paghihintay nila, ay isinilang na niya sa wakas ang kauna-unahan nilang anak mag-asawa, kung saan ito nga ay isang ‘bouncing baby boy’ na binigyan nila ng pangalang Alexander Sebastian Dunham Labrusca.
Ayon sa naging caption ng aktres, alas dos katorse ng hapon nung ika-14 ng Oktubre ng isinilang niya ang kanyang baby boy. Kalakip nito ay ang mga larawan na kanyang ibinahagi kung saan naman makikita na sa kanyang naging pagsilang ay nanatiling nasa tabi niya ang asawa niyang si Boom.
Samantala, labis namang hinahangaan ni Boom Labrusca ang katapangan at pagiging matibay ng kanyang misis na si Desiree sa pagkakataon na isinisilang nito ang kanilang panganay na anak. Dagdag pa ni Boom, sa naging pagsilang ng kanyang asawa,
ay mas lalo niyang napatunayan na hindi matutumbasan ng kahit anong bagay, o kahit ng kanyang prisensya ang hirap na pinagdadaanan ng isang ina kapag ito ay nagbuntis hanggang sa nagsilang ng sanggol.
“To my wife, for carrying our baby, for being strong and for being an amazing wife. Good job mommy. Maaring nandun tayo sa kanilang tabi, ngunit kailanman ay di natin malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang-tao”, ang naging appreciation post ni Boom sa kanyang misis.
Ibinahagi rin naman ni Boom ang kanyang pasasalamat sa lahat ng mga doctor at medical staff na tumulong sa kanilang mag-asawa, para maisilang ng kanyang misis na ligtas ang 1st baby nilang si baby Alexander. Matatandaan na ika-14 ng Enero taong 2018 ng ikasal sina Desiree del Valle at Boom Labrsuca.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento