Ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gomez ay mayroon ng dalawang anak. Matatandaan nab bago pa man magpakasal ang dalawa ay nabiyayaan na sila ng mga anak. Sila ay ikinasal sa isang ‘intimate wedding’ lamang, imbis na isang engrandeng kasalan ito nga ay dahil sa pagkakaroon ng krisis.
Sina Zion at Kai ang dalawang anak na lalaki nina Sarah at Richard na talaga namang mahal na mahal nila. Makikita sa social media ng mag-asawa ang mga masasayang bonding moments nila.
Samantala, nito lamang nakaraan ay ipinasilip ni Sarah sa kanyang IG post ang naging masayang bonding nila ng kanyang mga anak. Ngunit ayon sa aktres, hindi nila kasama ang kanyang mister na si Richard dahil nasa trabaho nga ito.
Makikita ang naging pagbabahagi ni Sarah ng larawan nilang mag-ina kung saan ay nagbabasa sila ng libro, ayon sa aktres ang pagbabasa ay isa sa mga bonding moments niya sa dalawang anak.
“a new favorite book. Quality time with the kids while dada’s at work whom we miss a lot. Soe peace and quiet. Grateful for this little break in nature. @like.global @thefarmsanbenito”, ang naging saad ni Sarah sa kanyang IG post.
Talaga namang napaka-relaxing ng lugar na tinungo ni Sarah kasama ang kanyang dawalang anak. At ayon nga sa caption ng aktres, ang napakagandang lugar na kanilang pinuntahan na talaga namang napapalibutan ng magandang tanawin ay ang The Farm na matatagpuan sa San Benito Batangas.
Samantala, sa kabila ng pagiging isang ina ng kanyang dalawang anak, ay makikita naman kay Sarah na hindi niya napapabayaan ang kanyang sarili, at napapanatili pa rin nga ang kanyang magandang hubog ng pangangatawan.
Matatandaan na minsan nan gang ibinahagi ni Sarah sa kanyang Instagram ang kanyang firness journey, hindi lang para manatiling maganda ang hubog ng kanyang katawan kundi maging malusog at maayos ang kanyang kalusugan.
“Setting new fitness and health goals after enjoying too much swiss chocolates and cheese. Starting with waking up early to workout and staying hydrated all throughout my days with @gatoradewithions.” “Time to get the body moving, lets go!”, ang naging pagbabahagi nga si Sarah.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento