Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

JC De Vera Pinakasalang Muli Sa Ikalawang Pagkakataon Ang Asawang Si Rikka Cruz Sa Isang Engrandeng ‘Church Wedding’

Tatalong taon na ang nakalilipas ng ang aktor na si JC De Vera ay ikasal sa kanyang partner na si Rikka Cruz. Kailan lamang ng aminin ng aktor na siya ay kasal na, at nito nga lamang nakaraan ay muli naman niyang ginulat at pinamangha ang mga tagahanga niya, ng masaya niyang ibahagi ang naging pagpapakasal nilang muli ng kanyang asawa na si Rikka Cruz – de Vera.




Noon ngang ika-21 ng Setyembre ng kasalukuyang taon ay naganap na ang pinakahihintay nina JC at Rikka, at ito nga ay ang muling maikasal at sa pagkakataon nga na ito ay sa harap na ng altar sa isang simbahan.

Photo Credit: akosijcdeberat/Instagram

Sa isang napakalaking simbahan na may magandang dekorasyon ikinasal si JC at Rikka sa ikalawang pagkakataon, at ito nga ay dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at kapamilya.

Photo Credit: akosijcdeberat/Instagram

Matatandaan na sa vlog noon ni Erich Gonzales, ay naibahagi ni JC na matagal na nilang plano ng kanyang asawang si Rikka ang maikasal sa simbahan, ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng pandemy@ ay naantala at na-move nga ang petsa ng kanilang kasal.

Photo Credit: akosijcdeberat/Instagram

“Ang nangyari kasi diyan dapat inuna talaga namin ‘yung civil wedding tapos lumabas si Lana then right after lumabas si Lana dapat mag-church wedding na kami, eh nagka-pandemic so na-move ulit sometimes this year”, ani JC.

Photo Credit: akosijcdeberat/Instagram

Nauna na ngang sinabi noon ni JC na bago pa man lumabas ang kanilang anak na si Lana, ay nagpakasal na sila ni Rikka sa civil wedding, at dapat nga pagkasilang nito kay Lana ay magaganap ang kanilang church wedding ngunit dahil nga sa pandemy@ ay naiurong ang petsa ng kanilang kasal sa simbahan.

Photo Credit: akosijcdeberat/Instagram

Samantala, sa kabila naman ng naging pagkaantala ng dapat ay noon pang kasal ng dalawa, ay may maganda naman itong naidulot, dahil mas lalo naman nilang napaghandaan ang kanilang kasal.

Photo Credit: akosijcdeberat/Instagram

Ayon nama kay JC sa halos last minute ng kanilang kasal, ay kinailangan pa nilang mag-change ng venue. Sampung araw nga lamang ang naging preparasyon ng kanilang Floral and Event designer,

Photo Credit: akosijcdeberat/Instagram

ngunit talaga namang kahit naging maikli na ang preparasyon para sa kanilang bagong venue, ay napakaganda pa rin ng kinalabasan ng naging dekorasyon ng kanilang kasal.
Ang naging kasal nina JC at Rikka, ay isang ‘celestial themed’ wedding, na binigyang kulay ng sikat at popular na International Floral & Event designer na si Gideon Hermosa, at talaga namang napabilib si JC sa husay ni Gideon.




“We had to change venue the last minute and he has given 10 days to plan and execute and 1 day for ocular. No presentations, no mood boards. Just a surprise Gideonized wedding. You are amazing!”, ang naging pahayag ng aktor.

Mula nga sa mga ibinahaging larawan ng Nice Print Photo, ang official photographer nina JC at Rikka sa kanilang kasal, ay makikita nga kung gaano kaganda at naging engrande ang kasal ng mag-asawa.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento