Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Paggamit Ng Palayok Sa Pagluluto Itinuro Ni Yasmien Kurdi Sa Kanyang Anak Na Si Ayesha

Nito lamang nakaraan ay masayang tinungo ng celebrity mom na si Yasmien Kurdi-Soldevilla ang probinsya ng Antipolo City, kung saan ay kasama niya ang kanyang pamilya sa isang magandang lugar para makapagrelaks.




Kasama nga ni Yasmien sa bakasyon na ito sa Antipolo ang mister niyang si Rey Soldevilla Jr., isang piloto, at ang kanilang anak na si Ayesha Zara, na talaga namang kasing ganda ng aktres. Silang pamilya ay nagtungo sa Camp Jony, na matatagpuan sa Sitio Binayoyo, San Jose sa Antipolo.

Photo Credit: yasmien_kurdi/Instagram

Sa YouTube channel nga ng aktres, ay kanyang ipinasilip ang naging Staycation nila sa nasabing lugar, kung saan ay ipinakita rin niya ang kagandahan ng kanilang tinuluyan na bahay kubo.

Photo Credit: yasmien_kurdi/Instagram

Ang tinuluyan nga nina Yasmien, ay isang maka-Pinoy na disenyo ng Bahay Kubo, kung saan ito ay napapaligiran ng magandang tanawin. Sa loob ng naturang bahay kubo ay makikita rin na ito ay puno ng mga gawang Pinoy na kagamitan, kung saan ay magiging damang-dama naman talaga ang probinsya vibes.

Photo Credit: yasmien_kurdi/Instagram

At dahil nga sa mga nakita ni Yasmien na mga kagamitan na pang Pinoy, lalo na ang mga ginagamit pang luto, ay naisipan ng celebrity mom na turuan ang kanyang anak na si Ayesha sa pagluluto gamit ang mga panglutong kagamitan na naroon, kagaya na nga lamang ng palayok.

Photo Credit: yasmien_kurdi/Instagram

“Kapag ganitong panahon, madalas ang ending natin ay staycation sa bahay. Kaya to brighten up the day, may pa task ako kay Ayesha”, ang naging saad ni Yasmien.
Pinili ngang turuan ni Yasmien ng may sabaw na pagkain si Ayesha, dahil sa ito ang paniguradong magugustuhan nilang buong pamilya gawa ng mauling panahon.

Photo Credit: yasmien_kurdi/Instagram

Makikita nga sa video na ibinahagi ni Yasmien, ang naging pagtuturo niya sa anak niyang si Yesha ng Misua Bola-Bola with Patola, at ang ginamit nila sa pagluluto ay ang palayok.

Sa kabila naman ng first time ni Yesha na magluto, ay kitang-kita naman sa anak ni Yasmien Kurdi, na ine-enjoy nito ang itinuturo ng kanyang ina sa kanya, at tila nga gustong-gusto nito matutong magluto ng masasarap na pagkain.




Ayon kay Yesha, ito ang unang pagkakataon na nakapagluto sa Bahay Kubo. Tinawag rin ni Yesha na ‘forest’ ang lugar kung saan sila nag-staycation, dahil nga sa marami siyang puno na nakitang nakapalibot dito.

Ibinahagi naman ng mag-inang Yasmien at Kurdi na naging ‘succesful’ at masarap ang kanilang nilutong pagkain, na masaya nilang pagsasaluhang magpamilya.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento