Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sa Edad Na 30 Isang Dating Kasambahay Matagumpay Na Nakapagtapos Ng Kolehiyo Na May Parangal Na Magna Cum Laude

Hindi biro ang makapagtapos ngayon ng pag-aaral, lalo na kung ikaw ay mula sa isang pamilya na danas ang kahirapan ng buhay. Ngunit dahil sa pagkakaroon natin ng pangarap at ambisyon sa ating buhay, ay marami sa atin ang talaga namang pinagsusumikapan na makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kahirapan na ating nararanasan.




Isang inspirasyon ang mga ganitong uri ng kuwento ng tagumpay, at halimbawa na nga lamang nito ay ang kuwento ng tagumpay sa pagtupad ng pangarap ng isang kasambahay na kinilalang si Grace Labradoe Bacus.

Image Credit via Google

Si Grace ay 30-anyos, at kamakailan nga lamang siya ay nag-viral sa social media dahil sa naging pagbabahagi niya ng kanyang kuwento ng paglalakbay, hanggang sa matagumpay niyang matapos ang kanyang pag-aaral kung saan siya nga ay mas lalo pang hinahangaan dahil sa nakuha niyang parangal na Magna Cum Laude.

Image Credit via Google

Ayon sa naging pagsasalaysay ng buhay ni Grace, siya ay mula sa isang mahirap na pamilya. Siyam silang magkakapatid, kung saan ay pangatlo nga siya sa mga ito. Dahil sa isa siya sa mga nakatatanda sa magkakapatid, ay maaga siyang namulat sa responsibilidad kung saan ay kinakailangan nga niyang tulungan ang kanyang pamilya , lalo na ang kanyang mga kapatid.

Image Credit via Google

Saad pa niya, dahil sa sapat lamang ang kinikita ng kanyang mga magulang sa pang-araw-araw na pangkain nilang pamilya ay dumating ang pagkakataon na kinailangan niyang huminto sa pag-aaral, at tumulong na lamang sa paghahanapbuhay.

Image Credit via Google

Nagawa ni Grace na matapos ang high school bago pa siya tumuigil sa pag-aaral, ito nga ay upang mabigyan niya ng daan ang kanyang kapatid na ito na naman ang makapag-aral.

Dahil sa kagustuhan niyang makatulong sa kanyang mga magulang sa pagsustento sa pag-aaral ng kanyang mga kapatid, ay namasukan si Grace na kasambahay. Dito ay nagawa niyang tulungan ang pag-aaral ng mga kapatid niya, at nagawa din niyang makapag-ipon ng pera na magagamit niya sa pag-aaral niya sa kolehiyo.

Nang makaipon si Grace ng sapat na pera para sa kanyang pagko-kolehiyo ay nasa edad 26 na siya, ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi niya ituloy ang pangarap na makabalik sa eskwela. Dahil sa ang pangarap niya ay ang maging isang guro, ay kumuha si Grace ng kursong bachelor of Science Major in English sa Talisay City College.

Samantala, hindi pa rin naging simple ang pagbabalik sa eskwela ni Grace, dahil sa madalas siyang nagkakaroon ng liban sa eskwela, sapagkat may mga pagkakataon na kinakailangan niyang bantayan ang kanyang nakababatang kapatid kapag ang mga magulang niya ay naghahanapbuhay.

Dahil sa kanyang naging madalas na pagliban sa klase, ay may naging guro siya na hindi ito nagustuhan at siya nga ay napagsabihan ng hindi kaaya-ayang salita.
“You’d better quit school because you don’t need a degree in taking care of children”, ang naging saad nga ng guro ni Grace sa kanya noon.

Sa kabila ng masakit na salita na ito sa kanya ng guro, ay hindi ito naging dahilan kay Grace para panghinaan ng loob, bagkus ay ginawa niya pa itong motibasyon upang mas lalo pang pagsikapan ang kanyang pag-aaral.

“Yes, word for word, I could still hear you say that. It was engraved in my heart. That the person I ecpected to understand me was the same person who broke me into pieces for she was supposedly my ADVISER, my second parent”, pahayag naman ni Grace.




Sa kanyang naging pagsisikap at hindi pagsuko sa anumang naging hamon sa kanyang pag-aaral, ay pinalad si Grace na makapagtapos ng kolehiyo, at ang mas nakaka-proud pa, ay nakuha niya ang mataas na parangal na magna Cum Laude.

Ayon naman kay Grace, sa kanyang naging tagumpay, ay sisiguraduhin niya na siya ay magiging isang mabuti at mahusay na guro sa kanyang mga magiging mag-aaral.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento