Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Lady Guard Hatid Ay Inspirasyon Sa Marami Matapos Makapagtapos Bilang Isang Dean’s Lister

Pangarap ng marami sa atin ang makaahon sa kahirapan at mabigyan ng maayos na buhay ang ating mga minamahal. Kaya naman upang makamit ang pinapangarap na pag-ahon sa kahirapan, ay marami sa atin ang talaga namang patuloy na nagsusumikap sa kani-kanilang mga buhay.




Kagaya na lamang nito ay ang puno ng inspirasyon na istorya ng buhay ng 27-taong gulang na lady guard na kinilalang si Arlyn Ramos, isang estudyante ng Bulacan State University.

Image Credit via Google

Ang kuwento ni Arlyn ay naitampok sa Bulsu Capture, isang Facebook page ng Bulacan State University, at dito nga ay mababasa ang napakagandang kuwento ng naging pagsusumikap ni Arlyn na mabigyang katuparan ang kanyang pangarap.

“Ako si Arlyn, isang lady guard sa Bulacan State University at ga-graduate na rin ngayong taon sa kursong BIT Major in Food Service Management, at isa ring Dean’s Lister.”
“2016 nang magsimula akong maging lady guard at isinabay ko ang aking pag-aaral mula noong taong 2019.”

“Naging inspirasyon ko sa pag-aaral ang aking pamilya dahil gusto kong bigyan nang magandang buhay ang tatay ko sapagkat kapos kami sa gastusin.”

Ayon nga sa naging pahayag ni Arlyn, ngayong taon ay isa siya sa mga matagumpay na magtatapos ng kursong BIT, kung saan ay isa pa siyang Dean’s lister. Dahil sa kanyang pangarap na mas mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang ama, ay minabuti niyang magbalik sa pag-aaral, habang sinasabay nga rito ang kanyang pagtatrabaho bilang isang lady guard.

Dagdag pa niya, sa kabila ng hindi ganu’n kalaki ang kanyang kinikita sa pagiging lady guard, ay nagagawa pa rin niyang bigyan ng pera ang kanyang ama.
“Hindi po ganun kalaki ang nabibigay ko sa kanyang pera kasi nahahati sa pag-aaral ko, at para sa kanya, at sa pangungupahan ko ng bahay”, ang naging saad ni Arlyn ng siya ay makapanayam ng GMA news.

Sa nasabing panayam rin ay naibahagi niya na kaya Food Management Service ang kursong kanyang kinuha ay dahil sa pangarap niya talaga ang maging isang chef sa isang cruise ship.




May pakiusap naman si Arlyn sa kanyang ama, sa lahat ng mga pagsusumikap na ginagawa niya ngayon. “Sa tatay ko po is, ano lang po siya, magtiyaga lang po sa paghihintay sa akin.

Sana maibigay ko ang pangangailangan niya talaga. Yung sa kanya lang talaga.
Pagtiyagaan niya na lang ako kasi ito lang po yung nakakayanan ko na ibigay sa kanya hanggang ngayon”, saad pa ni Arlyn.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento