Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sulyapan Ang Ika-4 Taong Anibersaryo Ng Mag-Asawang Sheena Halili At Jeron Manzanero

Si Sheena Halili ay isa sa mga kilalang mahusay na aktres ng Kapuso network. Ang kanyang karera sa pag-aartista ay nagsimula ng siya ay naging finalist ng talent show noon ng nasabing network na “Starstruck”.




Dahil sa kanyang mga ipinamalas na potensyal sa pag-arte, ay mas marami pa ngang oportunidad sa mundo nsg showbiz ang nagbukas sa kanya, kabilang na nga rito ay ang mapabilang siya sa marami pang mga serye at pelikula.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Samantala, ngayon nga ay isa si Sheena sa mga aktres na may sarili ng pamilya, at pokus muna sa buhay niya bilang isang ina at asawa. Matatandaan na noong taong 2018 ay na-engaged si Sheena sa abogado at kasalukuyang Pasig ty Administrator na si Jeron Manzareno. Ikinasal naman ang dalawa, noong buwan ng Pebrero taong 2020.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Noong nakaraang taon din, buwan ng Disyembre ng isinilang ni Sheena ang kanilang panganay na anak ni Jeron, ito nga ay ang kanilang napaka-cute na baby girl na si Baby Martina.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Tunay naman na napakabilis ng panahon, dahil nito lamang nakaraan ay masayang ipinagdiwang nina Sheena at Jeron ang ika-apat na taong anibersaryo nila bilang magkarelasyon. Ayon sa mag-asawa, ito ang nakasanayan na nilang ipagdiwang, kaya naman talagang ang araw na ito ay isa sa mga masasayang araw ng kanilang pagsasama.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Makikita sa Instagram post ni Sheena ang naging pagbabahagi niya ng larawan nila ng kanyang asawa, na may nakalakip na maikling caption na “4 years <3”. Ang larawan nga na ito na ibinahagi ni Sheena ay nagpapakita kung gaano sila kasayang mag-asawa sa piling ng isa’t isa, base na rin sa mga ngiti nila sa kanilang mga labi pati na rin kung paano nila titigan ang bawat isa.

Ang pagsasama nina Sheena at Jeron ay talaga namang hahangaan, dahil sa pagiging simple at pribado nito, lalo na pagdating sa mga bagay na pinagdadaanan nila sa kanilang pagsasama.




Samantala, ang pagsasama ng mag-asawa ay mas higit ngang naging makulay at napuno ng kagalakan ng dumating nga sa kanila ang kanilang anak. Ang napaka-cute na si Baby Martina ay talaga namang nakakagigil dahil sa isa itong napakagandang bata. Habang si Baby Martina ay lumalaki, ay mas lumalabas pa kung gaano siya kagandang bata, kung saan ay mas nagiging kahawig niya ang kanyang ina.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento