Sa mundong ating ginagalawan ay marami sa atin ang nakararanas ng deskriminasyon, ito nga ay dahil ang iba sa atin ay nagtataglay ng tila kakaiba sa kanilang pisikal na anyon, na para sa ibang tao ay hindi kanais nais tignan. Dahil sa deskriminsayon na ito, nagkakaroon ng hindi mabuting ugnayan ang mga tao.
Samantala, ang madalas nga na nakakaranas sa atin ng deskriminsayon ay ang mga taong may maiitim na balat, lalo na ang mga mula sa lahing ito na ang natural na kulay ng balat nila.
Sa kabila nito, hindi nga naman habang-buhay ay madidiskrimina ang kanilang kulay ng balat, dahil sa bagong henerasyon ngayon, ay isang babae mula sa kanilang lahi, ang nagpakita na sa kabila ng maitim na kulay ng kanyang balat, ay may natatago siyang kagandahan na maaring hangaan hindi lang ng kanilang kumunidad kundi maging ng buong mundo.
Ang babae ngang ito ay mula sa Souther Sudan, na kinilalang si Anok Yai. Sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng itim na balat, ngayon nga ay isa siya sa mga kababaihan na hinahangaan sa buong mundo dahil sa kanyang taglay na kagandahan.
Kamakailan lamang ng mag-viral sa social media ang kanyang mga larawan, at sa lumabas nga na ulat, tinagurian siya bilang “The Most Beautiful Woman and Most Expensive Model” sa buong mundo.
Ang nag-viral na larawan ni Anok Yai ay ibinahagi ng kanyang photographer, at dahil sa pagkakaroon niya ng napakagandang mukha sa kabila ng kanyang pagkakaron ng itim na kulay ng balat ay agad naman siyang kinuha ng isa sa mga kilalang modelling company, ang New York Top Modelling Agency.
Makikita sa mga larawan, na sa kabila ng pagkakaroon ng maitim na kulay ng balat ni Anok Yai ay kakaibang ganda naman ang taglay nito. Marami ang talagang naakit at nahumaling sa kanyang kakaiba ngunit natural na kagandahan, kaya naman maraming mga endorsement company ang kumuha sa kanya para maging modelo.
Ayon sa ilang mga ulat, si Anok Yai ay may pinakamahal na “fasion photography”, kung saan sa may halaga na ito na $15,000, sa loob lamang ng isang oras nitong pag-pictorial. Ang lahat ng mga oportunidad na dumating kay Anok Yai ay talaga namang hindi niya pinalampas.
Sa kasalukuyan, maliban sa pagiging isang modelo ni Anok Yai ay isa rin siya ngayon sa mga spokesperson ng Estee Lauder, isa sa mga top brand cosmetics.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento