Sa latest vlog ng dating aktres na si Andi Eigenmann ay muli na naman niyang pinahanga ang kanyang mga tagasubaybay. Hindi lingid sa kaalaman ng marami sa atin na si Andi ay isa sa mga sikat na aktres noog aktibo pa siya sa showbiz. Siya ay mula sa mayamang pamilya dahil ang kanyang mga magulang ay parehong nakilala rin sa industriya na kanyang kinabilangan.
Ngunit sa kabila ng magandang buhay na tinatamasa noon ni Andi, ay nakita naman niya ang tahimik, payapa at masayang pamumuhay sa Isla ng Siargao kung saan sa kasalukyan ay dito na nga naninirahan si Andi kasama ang binuo niyang pamilya.
Iniwan ni Andi ang kanyang pag-aartista at namuhay ng simple at payak sa Isla kasama niya ang kanyang fiancée na si Philmar Alipayo, isang mahusay na surfer, pati na rin ang kanilang mga babies na sina Elli, Lilo at Koa.
Dahil sa talagang ang kanilang pamilya ay tila naging inspirasyon at modelo sa marami, ay patuloy silang sinusubaybayan ng publiko sa YouTube channel nila na “Happy Islanders.”
Samantala,
sa bagong vlog nga ni Andi ay kanyang ibinahagi ang naging masaya at simpleng picnic na ginawa nila ng kanyang pamilya. Ngunit bago nga ito ay ipinakita muna niya ang mga kamote na na-harvest ng mga boys, pati na rin ang naging paghuli nila ng buhay na buhay na sea orchin.
Ayon kay Andi gustuhin man niyang sumama sa mga boys sa pagharvest ng mga ito ng kamote, ay hindi naman siya pwede dahil kailangan niyang alagaan ang bunsong anak niyang si Koa.
Nang matapos nga ang harvest time ay makikita sa video ang anak ni Andi na si Lilo na enoy na enjoy habang nasa “beach sand”. At hind inga nagtagal ay lumangoy na sa dagat ang mag-inang Andi at Lilo. Hindi naman maitago ang kasiyahan ng little surfer na si Lilo habang siya ay lumalangoy sa tubig dagat.
Muli ngang umani ng maraming papuri mula sa mga netizens ang vlog na ito ni Andi, dahil sa kinabiliban nila ang simpleng pamumuhay na ngayon ng aktres.
“I admire Andi who is not choosy with who to deal and be friends with, makes her family so secure”
“YouTube vlog na hindi na kelangan ng visual effects. Everything is fresh and beautiful”
“Their way of living is what almost all of us is dreaming of — peace, serenity, healthy and contented”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento