Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sulyapan Ang Pagdiriwang Ng Ika 1- Gulang Na Anak Ni Billy Crawford At Coleen Garcia

Napakabilis talaga ng paglipas ng panahon, dahil parang kailan lang ng masayang ibahagi ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford na isinilang na ang kanilang panganay na anak, at nito nga lamang nakaraan ay ibinahagi naman nila na ito ay isang taong gulang na.




Matatandaan na noong ika-10 ng Setyembre nu’ng nakaraang taong 2020 isinilang ni Coleen Garcia ang panganay na anak nila ng asawa niyang si Billy Crawford. At talaga namang pinag-usapan ng marami ang naging proseso ng pagsilang ng aktres sa panganay na anak, dahil ito nga ay isinilang niya via water birth delivery na ginawa lamang sa loob ng kanilang tahanan.

Photo Credit: coleen/Instagram

Samantala, mula nga ng isinilang ni Coleen ang kanilang baby boy na si Baby Amari ay naging bukas na sa publiko ang kanyang motherhood journey at kung paano nila ginagampanan ng mister niyang si Billy Crawford ang pagiging magulang sa kanilang anak.

Photo Credit: coleen/Instagram

Makikita sa social media ng mag-asawa ang madalas nilang pagbabahagi ng mga cute na cute at makukulit na mga larawan at bidyu ng kanilang anak na si baby Amari. At sa mga bagong larawan nga ni baby Amari ngayon ay mapapansin na sa lumipas na 12-buwan ay malaki na nga ito at isa ng aktibong sanggol.

Photo Credit: coleen/Instagram

Kitang-kita rin naman sa mga larawan, kung gaano ka-enjoy ang mag-asawang Coleen at Billy sa pag-aalaga sa kanilang anak, lalo na sa mga bonding moments nilang pamilya.

Photo Credit: coleen/Instagram

Bago naman sumapit ang ika-1 taong kaarawan ni baby Amari noong ika-10 ng Setyembre ay nauna munang nagbahagi si Coleen sa kanyang Instagram account ng mga magaganda at masasayang mga larawan ng kanilang maliit na pamilya. Sa caption ng larawan ay inilahad ng celebrity mom ang pag-countdown niya para nga sa nalalapit na kaarawan ng anak.

Photo Credit: coleen/Instagram

“Nice and Cozy. #amariturnsone”, ang naging saad ni Coleen sa larawan na kanyang ibinahagi kung saan ay makikita silang pamilya na nakaupo sa isang sofa na tila relaks na relaks dahil sa ganda ng kanilang pagkakangiti.




May ilang mga larawan naman na maliban sa kanilang tatlo, ay makikita rin na kasama nina Billy, Coleen at baby Amari ang kanilang alagang aso, na hindi rin naman nagpahuli sa pag-pose sa harap ng kamera.

Ngayon ngang isang taong gulang na si baby Amari ay mas naging aktibong bata na ito, at mas lumabas pa lalo ang tallay na kakyutan nito base na rin sa mga larawan na ibinahagi ng kanyang mga magulang.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento