Natatandaan niyo pa ba si “Duday” o mas kilala bilang si Isabelle De Leon? Isa siya sa mga magagaling na childstar noon. Isa sa kanyang mga hindi malilimutang role ay ang pag ganap niya bilang si “Helen” sa award-winning movie na “Magnifico” noong 2003. Nakilala din siya bilang si “Duday” sa comedy film sitcom na “Daddy Di Do Du” na kung saan ay nakasama niya rito si Bossing Vic Sotto.
Marami nga ang nais malaman kung anon a ang buhay ngayon ni Isabelle De Leon, at narito na ang panibagong tinatahak na karera ng nasabing former childstar.
Mula sa pagiging isang napakakulit at bibong bata noon na nag-aartista ay isa na ngang ganap na napakagandang dalaga ngayon si Isabelle. Kung noon ay pag-aartista ang tinatahak na landas ng dating childstar, ngayon naman ay ibang karera ang tinatahak ni Isabelle.
Kung noon ay kilala si Isabelle bilang isang magaling na childstar sa showbiz industry, ngayon ay mas kinilala ang dating childstar dahil sa pagkakasungkit niya ng korona ng tanghalin siyang Miss Multinational 2019 sa katatapos lamang ganapin na Miss World Ph.
Makikita sa Official Facebook at Instagram account ng Miss World PH na si Isabelle ang umani ng pinakamaraming like at comment. Halos karamihan sa mga komento na mababasa tungkol kay Isabelle ay puro paghanga sa galing na kanyang ipinakita dahil hindi nga lamang basta ganda ang hinagaan ng mga manonood at follower’s ng Miss World PH sa dalaga kundi ang katalinuhang ipinakita nito sa patimpalak.
Sa naganap na pageant nga ng Miss World PH ay hindi agad naging kapansin-pansin si Isabelle sa mga manood kahit pa nga siya ang pinakauna sa lahat ng contestant. Ngunit sabi nga nila hindi lahat ng pageant ay ganda ang labanan, dahil ng dumating na sa Q&A ay doon ipinakita ni Isabelle na siya ay isang babae na “may beauty na, may brain pa”.
Sa naging katanungan sa dating childstar sa pageant ay nasagot niya ito ng maayos at natural dahil nga sa kanyang taglay na talino at hindi rin siya kinakitaan ng anumang kaba at dito nga ay nagsimula ng umangat ang ganda nito sa lahat ng contestant at nakuha niya na ang kiliti ng mga manood at netizens.
Kahit nga naman siya sa pinakamaliit sa mga contestant sa taas na 5’5 ay hindi nga talaga nagpahuli si Isabelle dahil talagang umangat siya sa nakararami at humakot ng maraming award at higit nakasungkit pa ng korona.
Sa karangalan at tagumpay ngang natamo ng dating childstar Isabelle De Leon ay marami ang mga netizens ang muli niyang napahanga at nagbigay ng mga komento ng kasiyahan sa pagkakasungkit niya sa Korona bilang Miss Multinational 2019.
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
Genie Sade RPh “You are so smart & natural! I love you duday you deserve it congratulations!”Marie Argelle Perlo Estadilla, “Beauty that shines from within.”
Ryke Aludia Ulzoron “ I love her so much. She was very happy and she even cried when name was called napaka-humble na bata”
Razec Estillore, “Kudos Isabelle. Kahit pumasok ka sa pageantry, tiwala lang sa sarili and nothing is impossible, see u made it. Ang galing sumagot and very comfident with a heart.”
Rubelyn Fiestado “You deserve to win a crown Duday… Congrats.! If weren’t for your height baka ikaw sana ang Miss world kc magaling kang sumagot.”
Georgina Bantillan “I can see her as a little “Duday” pero nung nag Q&A na, napa-WOW talaga ako. Confident, smart and so natural.” Mababasa nga sa mga komento ng mga netizens ang lubos nilang paghanga sa talino at galing na ipinakita ni Isabelle sa Q&A ng pageant ng Miss World Ph.
At talaga nga namang kahit hindi na ang galing sa pag-aartista ang kanyang ipinapakita ay muling pinatunayan ng dating childstar na kahit anong karera ang kanyang tahakin ay kanya pa ring ipapakita ang talent, talino at galing na nasa kanyang pagkatao. Congratulations! Isabelle De Leon, Miss Multinational 2019….
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento