Ang ating mga kasambahay ay isa na ating mga kapamilya, dahil sila ang ating naasahan sa loob ng ating pamamahay at katuwang natin sila sa mga gawaing bahay.
Ngunit hindi maaiwawasan na marami sa atin na may kaya sa buhay o umangat lang sa buhay ay hindi na marunong makisama o tratuhin ng maayos ang isang kasambahay.
May mga mayayamang tao na inaabuso ang kanilang mga kasambahay dahil mababa ang tingin nila sa antas ng mga ito, ngunit meron din namang mga mayayaman at nakaka angat na tao na kung ituring ng kanilang kasambahay ay parang pamilya nan g mga ito.
Sa ating pamumuhay ay hindi natin dapat gawing basehan ang estado ng buhay o pamumuhay ng isang tao upang sila ay ating respetuhin o tratuhin ng maayos, dahil lahat tayo na nabubuhay dito sa mundo ay pantay-pantay sa mata ng Diyos.
Isang artista naman ang nagbigay ng inspirasyon sa nakakararami dahil sa kanyang maayos na turing at pakikisama sa kanyang mga kasambahay, ito ay si Pokwang. Sa kanyang iniupload na video na may pagpapatawa kung saan ay makikita ang samahan ni Pokwang bilang amo at ng kanyang mga kasambahay.
Ang mga kasambahay ni Pokwang ay maagang gumigising upang gawin ang mga gawaing bahay na nakatoka sa kanila, kaya naman pagkagising ni Pokwang ay agad siyang bumisita at nagtungo sa kanilang hardin upang kamustahin ang kanyang kasambahay na nagdidilig at nag aayos roon. Ang iba namang kasambahay ay makikita na nasa loob ng kanilang tahanan kung saan ang mga ito ay naglilinis at gumagawa ng ibang gawaing bahay.
Makikita sa video na kinamusta ni Pokwang ang kanyang mga kasambahay na busy sa mga gawain na ginagawa ng mga ito, makikita rin sa video kung paano sumagot ang mga kasambahay ni Pokwang sa kanya.
Sa kanyang pangangamusta ay tila ang naging sagot ng kanyang mga kasambahay ay ibang-iba sa maririnig natin s mga kasambahay na ating nakakasalamuha sa araw-araw.
“Okay naman po, pero mas ok magluto ka na kasi gutom na kami”, ang sagot ng isang kasambahay ni Pokwang na parang normal lang para sa knila.
Video Credit: Pokwang /YouTube
Makikita rin sa video ang pagdidilig ni Pokwang ng kanyang mga halaman ng siya ay lapitan ng isa sa kanyang mga kasambahay at tanungin siya nito kung tapos na siya sa kanyang ginagawa. Agad naman itong sinagot ni Pokwang na hindi pa siya tapos na kung saan ay humingi rin siya ng paumanhin, matapos nito ay iniharap niya ang hose sa kanyang kasambahay at winisikan ito ng tubig.
Kakaiba nga naman ang turing ni Pokwang sa kanyang mga kasambahay. Sa ating panahon ngayon ay bihira ka na lamang makakakita ng amo na kagaya ni Pokwang na kahit malayo na ang narrating sa katayuan ng kanyang pamumuhay ay hindi naman nagbabago ang kanyang pag-uugali at nananatili pa rin na ang kanyang paa ay nakatapak sa lupa.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento