Hindi mapigilan ng mga netizesn ang mapa-wow at hangaang ang taglay na kagandahan ng dating aktres na si Gretchen Barreto, ito ay dahil sa pagiging “young looking at fresh” pa rin nito sa kabila ng kanyang tumatanda ng edad.
Si Gretchen Barreto o mas tinatawag ngayon ng marami bilang La Greta ay taglay na ang kanyang nakabibighaning kagandahan noong kanya pa mang kabataan, ngunit tila nga mas lalo pang gumaganda ang dating aktres ngayong siya ay nagkaka-edad na.
Marami nga ang nakapansin na mga netizens sa mga larawan na ibinabahagi ni La Greta sa kanyang Instagram, ang pagiging ‘ageless beauty’ niya. Sa kabila nga ng maraming mga pinagkakaabalahan, ay hindi pa rin pinabayaan ni La Greta ang kanyang sarili. Nanatili siyang maalaga sa kanyang katawan, balat at mukha, kaya naman kahit na nagkaka-edad na at mistula pa ring dalaga at napaka-fresh niya.
Isa nga sa mga larawan ni La Greta na talaga namang naging kapuri-puri sa mga netizens ang kanyang walang kupas na ganda, ay ang larawan kung saan siya ay nakasuot old rose-pink dress na kanyang tinernuhan ng nude color sandals. Kahit 51-taong gulang na, ay talaga namang nagmistulang teenager na modelo siya sa larawan niyang ito.
Nakasaad sa caption ni Gretchen sa kanyang larawan na ito ay, “Make me Blush, Happy Hours Begins.” Maging mga kapwa celebrity ni La Greta ay pinuri rin ang kanyang taglay na kagandahan na wala ngang bakas ng pagtanda. Ilan nga sa mga kapwa niya aktres na napa-wow sa kanyang ‘fresh young looks’ ay sina Mariel Padilla, Sofia Andres, Pokwang, Shaina Magdayao, Jackielou Blanco at marami pa ngang iba.
Pati na nga ang unica hija niyang si Dominique Cojuangco na na-engaged lamang kamakailan sa non-showbiz boyfriend nito, ay napa-wow rin sa napakagandang larawan ni La Greta.
Ilang mga netizens rin ang nagpaabot ng kanilang paghanga sa walang kabakas-bakas na pagtanda na kagandahan ni La Greta. Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens, na talaga namang pinuri ang ganda ng dating aktres. “Super Gorgeous as always.” “Thirty, flirting, and thriving.” “Always beautiful.” “So preety Tita Gretch”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento