Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Yam Yam Gucong At Longtime Girlfriend “To the next level” Na Ang Relasyon

Si Wiliam Gucong o mas nakilala ng publiko sa Pinoy Big Brother: Otso noon bilang si Yamyam, ay isa nga sa mga naging Big Winner ng PBB na hinahangaan at nagbigay inspirasyon sa marami. Ang kanyang pagiging simple, mapagkumbaba at naging buhay sa labas ng bahay ng PBB house ang siyang tunay na hinangaan sa kanya.




Mas lalo pa ngang hinangaan ng marami si Yamyam dahil sa kanyang ipinamalas na dedikasyon at determinasyon sa buhay. Dahil matapos niyang maging Big Winner ng PBB, ay unti-unti nga niyang binigyan ng katuparan ang kanyang mga pangarap, hindi lang para sa sarili, kundi higit para sa kanyang pamilya.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Ilan sa mga pangarap ni Yamyam na nabigyan na niya ng katuparan, ay ang makapagpatayo ng negosyo para sa pamilya, at ito nga ay ang kanyang “Yamito’s Bakeshop’ na matatagpuan sa kanilang probinsya. Nabili din niya ang lupang noon ay sinasaka lamang nila ng kanyang mga magulang. Nakapagpundar na din siya ng sasakyan.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Sa bagong update naman ni Yamyam kamakailan lamang sa kanyang social media account ay kanyang ibinahagi ang pagpapatayo niya ng isang bagong bahay. At tila nga ang bagong bahay na ito ng PBB Otso Big Winner ay paghahanda na rin niya para sa magiging bagong yugto ng kanyang buhay.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Nito lamang nakaraan, ay ibinahagi kasi niya sa kanyang socmed ang naging pag-propose niya ng kasal sa kanyang longtime girlfriend. Makikita ang naging pagbabahagi niya ng larawan, kung saan ay makikitang siya ay nakaluhod sa harapan ng kanyang kasintahan, habang hawak at inilalahad niya rito ang isang engagement ring.

Photo Credit: gucongyamyam/Instagram

Kalakip naman ng larawan, ang caption ni Yamyam, kung saan ay kanya ngang sinabi na dinala niya mismo ang nobya niya sa store kung saan niya binili ang singsing, at doon na rin nga niya ito inalok ng kasal.

“Alam kung immune kana sa mga surprise ko sayo dati at gusto kung maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng “papaya ka ba na maging asawa ko?” saad ni Yamyam sa caption ng larawan.

Bumuhos naman agad ng ‘congratulatory message’ para sa magkasintahan, ang iba ay mula sa kanilang mga kaibigan, at ang ilan ay galing mismo sa mga tagasuporta ni Yamyam.




Samantala, bago pa man nga ang kaganapan ng proposal ni Yamyam, ay nagbahagi muna ito ng isang video sa kanyang Instagram kung saan naman makikita na nagsasayaw sila ng kanyang kasintahan sa saliw ng tugtog na “One Step Closer.”


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento