Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kilalanin Ang Napakagwapong Anak Ng Sikat Na Kontrabida Sa Mundo Ng Showbiz Na Si Cherie Gil

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa aktres na si Cherie Gil? Isa lang naman siya sa mga pinakamahuhusay na aktres sa industriya ng showbiz, lalo na nga kapag ang kanyang ginampanan na karakter ay ang pagiging isang kontrabida sa isang serye o pelikula.




Ang tunay na pangalan ni Cherie Gil ay Evangeline Rose Gil Eigenmann, at kanya ngang mga kapatid ay ang mga sikat ding aktor sa showbiz na sina Michael de Mesa at Mark Gil.

Image Credit via Google

Taong 1994 ng ikasal siya sa kanyang asawang si Roni Rogoff, isang Israeli violinist, ngunit taong 2008 ay nauwi rin ang pagsasama nilang mag-asawa sa hiwalayan.

Image Credit via Google

Samantala, naibahagi naman noon ni Cherie Gil sa isang panayam sa kanya ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila ng dating asawa na tapusin na ang kanilang relasyon, ito nga ay kahit napakatagal na panahon na rin ang pinagsamahan nila.

Image Credit via Google

Ayon nga sa aktres, ang pagmamahal ay may iba’t ibang klase, at sila ng kanyang dating asawa ay pareho na ring “nag-grow as human being”, kung saan ay dito nga nila napagtanto na kinakailangan na nilang dalawa ng ‘space’ sa isa’t isa.

Image Credit via Google

“Were both growing up as human beings. May iba’t ibang klase ng pagmamahalan”, saad ni Cherie Gil. Dagdag pa niya, “Para sa akin kapag mahal mo ang isang tao, you have to leave a room for each other to grow. You have to give each other space without losing the connection emotionally.”

Image Credit via Google

Kahit naman napawalang bisa ang kasal ni Cherie Gil sa dating asawa, ay nanatili naman silang magkaibigan. Ang pagsasama nina Cheri Gil at ng kanyang dating asawang si Roni, ay nabiyayaan ng dalawang anak, ito nga ay sina Bianca at Raphael Eigenmann.

Image Credit via Google

Agaw-pansin naman sa publiko ang binatang anak ni Cherie Gil na si Raphael, ito at dahil sa napakgwapo nitong mukha at matikas na pangangatawan. Ayon sa ilang mga ulat, si Raphael at ang kapatid niyang si Bianca ay parehong lumaki sa Israel, ngunit sa kasalukuyan ay naka-base sila pareho sa bansang New York.

Ilan sa mga hilig gawin ni Raphael ay ang paglalaro ng football, at pag-tatravel. At para naman nga sa kaalaman ng lahat, ay may kasintahan na ang binatang anak ni Cherie Gil, at ito nga ay ang napakagandang si Solveigh Martin, na madalas ngang nakakasama ni Raphael sa kanyang mga travel.




Dahil sa taglay na kagwpuhan at karisma ni Rapahel, na namana niya sa kanyang ina ay maraming mga netizens nga ang nagsasabi, na maari ring pasukin ng binata ang mundo ng showbiz at sundan ang naging yapak ng kanyang inang aktres.

Ayon naman sa ilang mga ulat, hindi madalas makasama ni Cherie Gil ang kanyang dalawang anak na sina Bianca at Raphael dahil sa nasa ibang bansa nga ang dalawa, ngunit kapag may pagkakataon naman ay binibisita niya ang mga ito, at ganun rin ang kanyang mga anak sa kanya.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento