Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Dating Aktres Na Si Nanette Medved Ito Na Ang Buhay Ngayon Mula Ng Talikuran Ang Kanyang Showbiz Career

Natatandaan niyo pa ba si Nanette Medved? Isa siya sa mga sumikat na aktres noong dekada 90. Siya ay kabilang sa magaganda at seksing aktres na hinahangaan at pinapantasya ng marami noon. Isa din siya sa mga aktres sa showbiz na nabigyan ng pagkakataon na gampanan ang Pinay iconic super hero na “Darna.”




Marami ring mga naging proyekto si Nanette sa ilang taon niya sa mundo ng showbiz. Ilan pa nga sa kanyang mga naging proyekto ay nakasama niya ang tinaguriang “The King” na si Fernadoe Poe Jr.

Photo Credit: nanettemedvedpo/Instagram

Ngunit tulad ng iba, ay piniling talikuran ni Nanette Medved ang kanyang kasikatan, ito ay dahil mas pinili nga niyang mamuhay ng simple, at gawin ang kanyang pagnanais na makatulong sa kanyang kapwa, lalo na nga sa mga nangangailangan.

Photo Credit: nanettemedvedpo/Instagram

Nang iwan niya ang pag-aartista, ay nagpokus siya sa kanyang layunin na makatulong sa iba, kaya naman itinayo niya ang isang inkorporasyon, ito nga ay ang Generation Hope Inc. at Friend of Hope Inc.

Photo Credit: nanettemedvedpo/Instagram

Layunin ng inkorporasyon na ito na itinayo ni Nanette ang tulungan ang mga pampublikong paaralan na karamihan ay mga hirap sa buhay ang mga mag-aaral. May programa rin sina Nanette, na sinusuportahan ang mga magsasakang Pilipino.

Photo Credit: nanettemedvedpo/Instagram

Maliban sa pagtulong sa mga nangangailangan, ay layunin din ni Nanette ang pangalagaan ang kalikasan, kaya naman itinayo niya ang isang kumpanya na tumutulong sa mga indibidwal na maging responsible pagdating sa pag-gamit at pagtatapon ng mga plastic.

Photo Credit: nanettemedvedpo/Instagram

Ang kumpanya ngang ito na itinayo ni Nanette ay ang Plastic Credit Exchange Inc., (HOPEx).
Matatandaan na taong 2017 ay hinirang si Nanette na isang “Heroes of Philanthropy” ng Forbes, ito ay dahil nga sa kanyang ginagawang pagtulong sa kapwa at pangangalaga sa kalikasan.

Photo Credit: nanettemedvedpo/Instagram

Sa kasalukuyan ay patuloy pa ring abala si Nanette sa kanyang layunin na tulungan ang mga taong nangangailangan, maging ang ginagawa nga niyang pangangalaga sa ating kalikasan.

Pagdating naman sa kanyang personal na buhay, napag-alaman na ang dating aktres ay may sarili na ring pamilya ngayon. Ang kanyang napangasawa ay nagngangalang Christopher PO, at mayroon na nga silang dalawang anak.




Kahit naman patuloy ang kanyang pagsasagawa ng layunin niya para sa kanyang kapwa at sa kalikasan, ay sinisigurado naman ni Nanette na hindi siya nawawalan ng oras at panahon sa kanyang pamilya.

Makikita naman sa mga larawan ni Nanette, na hanggang ngayon ay wala pa ring kupas ang kanyang kagandahan at taglay na kaseksihan.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento