Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kilalanin Ang Netizens Na Kahit 10-Taong Sa Kolehiyo Dinadagsa Pa Rin Ng Trabaho Ngayon

Ang pagiging matagumpay ang pangarap ng marami sa atin, ngunit ang pagkamit nga nito ay hindi pabilisan, sapagkat mas masarap sa pakiramdam kung ang tagumpay na iyong makakamtan sa buhay ay talagang iyong pinaghirapan at ilang beses na iyong tinayuan sa kabila ng maraming beses na iyong pagkakadapa.




Ganito ang naging karanasan ng netizens na si Chryzel Joy Gordula Landicho, dahil bago pa man nga niya makamit ang tagumpay na kanyang pinapangarap sa buhay, lalo na ang makapagtapos ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo, dahil sampung taon nga ang inabot bago niya nakamit ang kanyang diploma.

Image Credit via Google

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Chryzel sa PEP.ph ang kuwento ng buhay niya na kapupulutan ng inspirasyon. Ayon nga kay Chryzel 23-taong gulang na siya ng makapagtapos siya ng kolehiyo noong taong 2014. Ang kanyang naging buhay sa mag-aaral ay hindi naging madali, sapagkat,

Image Credit via Google

kasabay ng kanyang pag-aaral ay kailangan niyang kumayod upang buhayin ang kanyang pamangkin, na 6-months old baby pa lamang ng iwan sa kanya.

Image Credit via Google

Kasabay nga ng kanyang pag-aaral ay nagtrabaho siya, kung saan ilan nga sa mga napasukan niyang trabaho ay ang pagiging kahera sa sabungan, factory worker at marami pa ngang iba.

Nagtrabaho rin umano siya bilang isang baby sitter sa Doha, Qatara ng dalawang taon, ngunit kahit maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga naging amo niya roon ay pinili niya ang umuwi sa Pilipinas dahil sa kagustuhan niyang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Pagbalik nga sa Pilipinas, ay agad na nag-enroll sa Laguna State Polytechnic University – Siniloan Campus si Chryzel, kung saan ay kumuha siya ng kursong Agricultural Education. Sa una ay maayos pa ang kanyang pag-aaral, ngunit pagtuntong niya ng ikatatlong taon sa kolehiyo, ay naubos na nga ang naipon niya sa pagtatrabaho bilang OFW.

Pagbabahagi niya pa, napakaraming beses niyang naranasan ang hirap na maitawid ang kanyang pag-aaral, may mga pagkakataon na umiiyak na siya, ngunit tahimik ding lumalaban kahit walang dalang bala.

Hindi nga sumuko sa hirap ng buhay si Chryzel, hanggang sa siya nga ay nakatanggap ng isang offer sa kaibigan na magtrabaho sa bansang Japan. Naipasa niya umano ang lahat ng eksam, ngunit tila siya ay pinagbagsakan ng mundo, nng hindi matuloy ang trabaho niya sa nasabing bansa dahil sa biglang pagkakaroon ng employment ban.

Nagkaroon naman ng pagkakataon si Yzel na muling makapagtrabaho, at sa pagkakataon nga na ito ay isang Calle Center agent ang kanyang naging trabaho. Ngunit, isang buwan nga lamang siya sa p

agiging Call Center agent, sapagkat aminado siya na hindi siya kahusayan.
Muli naman siyang nabigyan ng oportunidad bilang isang chat support sa isang online shopping company, ngunit mas pinili niyang magbalik sa pag-aaral lalo na ng mapag-alaman niya na made-dissolve ang kurson niya.




Kaya naman nagdesisyon siyang mag-resign sa trabaho at umuwi sa Laguna para mag-enroll. Matagumpay naman niyang natapos ang kanyang kurso.

Sa kasalukuyan ay marami na ngang job offer na natatanggap si Yzel, ngunit hindi trabaho ang kanyang tinanggap kundi ang nag-offer sa kanya ng libreng review para sa licensure exam, dahil ito nga ang magiging daan para mabigyan niya ng katuparan ang kanyang pangarap.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento