Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Dating Briefcase Girl Ng Programang “Deal Or No Deal” Na Si Charmel Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon

Natatandaan niyo ba si Charmel de Asis Evans? Kung isa kayo sa mga kinagigiliwan noon ang panonood ng sikat na game show ni Kris Aquino na “Deal or No Deal” marahil ay naaalala niyo pa ang briefcase girl sa nasabing programa na si Charmel.




Si Charmel de Asis Evans, ay nakilala ng maraming mga manonood ng siya ay mapabilang sa game show na “Deal or No Deal”, kung saan ay kabilang nga siya sa 26K member ng briefcase girl.

Image Credit via Google

Ang pangalan ni Charmel ay tumatak sa publiko sapagkat marami naman talaga sa mga manonood ng naturang game show ang hindi mapigilan ang kabahan kapag ang bubuksan na ay ang briefcase na hawak-hawak niya. Ito nga ay dahil sa madalas na mga bigating mga paprempyo ng naturang game show ang nilalaman ng briefcase na hinahawakan niya.

Image Credit via Google

Noong makapanayam ng PEP si Charmel, ay ibinahagi niya kung paano siyang napasok sa Deal or No Deal at napabilang nga bilang briefcase girl ng game show. Paglalahad niya, sa isang programa noon ni Willie Revillame talaga siya nag-audition, ngunit hind inga siya natanggap sapagka’t hindi siya marunong sumayaw at may pagka-chubby pa ang kanyang pangangatawan.

Image Credit via Google

“Hindi ako natanggap kasi hindi ako marunong sumayaw at ang chubby ko raw sa TV. Lol”, ani Charmel. Natanggap naman niya ang balitang may panibagong sisimulang show ang ABS-CBN, kung saan nga ay nagbukas umano ito ng audition para hanapin ang “26 ladies” na kinakailangan sa magiging programa ngang ito.

Image Credit via Google

“The, from Wowowee crew, nalaman kong may audition for a new show so I gathered the details. Hindi pa nila sinasabi kong anong game show title, basta new show and need 26 ladies. So yes, may audition every season. During season one, kauna-unahang tao sa studio,

Image Credit via Google

4:00 P.M was me. Hahaha, excited lang kasi 5 p.m ang start ng go-see, then from that first and second screening, may final audition pa, that was May. Two months after, I heared libo na ang nag-o-aduditon everytime”, ani ni Charmel sa pahayag niya sa PEP.

Isa nga si Charmel sa mga maswerteng natanggap sa audition at automatikong naging miyembro ng “26 ladies” na hahawak nga ng briefcase para sa game show.




Ibinahagi naman ni Charmel, na maging silang mga briefcase girl ay walang alam kung ano ang halaga na nilalaman ng mga hawak nilang briefcase. Ito nga ay dahil ang mahigpit na bilin sa kanila ng management ng show, ay huwag bubuksan ang naturang briefcase hangga’t hindi sinasabi ng host nitong si Kris Aquino.

Sa pagsisimula ng game show, ay madalas ngang ang nilalaman ng briefcase na nahahawakan ni Charmel ay malalaking halaga, kagaya na lamang ng 500K, 1M o 2M, kaya naman dito na nagsimulang maging matunong sa publiko ang kanyang pangalan.

Ayon naman kay Charmel, ang tanging kahilingan lamang niya noon ay ang magkaroon siya ng impact sa mga tao, upang magtuloy-tuloy ang kanyang kita. Hindi umano niya pinanalangin ang kasikatan.

“I remember praying to God nung umpisa pa lang ng taping. I said, ‘Make a way Lord na lahat ng guesting kasama ako, at hanapin ako ng tao. ‘ I did not pray for fame’, but I wanted lang kasama sa guesting para may extra income. Hahahaha! Kasi during the pilot episode ng Deal,

nag-ge-guesting ng pili, mga few ladies. Siyempre, hindi ako napipili kasi hindi naman ako kagandahan talaga. But prayers is stronger than beauty”, dagdag pa ni Charmel.
Malaki ang naging pasasalamat ni Charmel sa Diyos, dahil alam niyang iito ang tumulong sa kanya, at kahit sa maikling panahon lamang ng buhay niya ay naranasan nga niya makilala ng publiko.

Naibahagi rin ni Charmel na dahil sa kanyang pagiging isang briefcase girl ay nakita niya ang kabutihan ng loob ng actress-TV host na si Kris Aquino. Kuwento nga niya, nu’ng panahon na maapektuhan ang kanyang pamilya ng bagyong Ondoy, ay nakatanggap siya ng tulong muna kay Kris, ito nga ay kahit wala na noon ang game show na Deal or No Deal.




Paglalahad pa niya, nang ang game show na Deal or No Deal ay matapos na, ay nagtrabaho siya ng fulltime sa Casino bilang isang executive supervisor.

Sa kasalukuyan naman ay nasa Ohio, USA na si Charmel, kung saan ay nagtatrabaho siya sa nasabing bansa bilang branch manager ng isang financial company. Kasama niyang naninirahan doon ang kanyang asawang si Ben Evans, ang matalik na kaibigan ng singer-actor na si Sam Milby.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento