Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kilalanin Ang Panganay Na Anak Nina Gian Sotto Ay Joy Woolbright

Isa sa mga kilalang pamilya sa industriya ng showbiz ang pamilya ‘Sotto’, ito ay dahil talaga namang marami sa angkan nila ang sikat na artista. Hindi naman ito kataka-taka dahil ang kanilang angkan ay hindi lang basta talentado, kundi naggagandahan at naggwapuhan rin.




Samantala, hindi nga lang basta sa pag-aartista kilala ang pamilya Sotto, sapagkat, matunog rin ang kanilang apelyido, pagdating sa mundo ng pulitika. Kagaya na nga lamang nito ang Vice Mayor ng Quezon City na si Gian Carlo Sotto.

Photo Credit: joywsotto/Instagram

Makikita naman kay Gian Carlo ang mga katangian ng isang miyembro ng pamilya Sotto, lalo na ang pagkakatoon ng magandang ‘looks’, kaya naman hindi kataka-taka na maging ang mga anak nito ay minana rin ang artistahin looks niya.

Photo Credit: joywsotto/Instagram

Si Gian Carlo Sotto ay ikinasal noong taong 2007 sa misis niyang si Joy Woolbright, at marami ang talagang humahanga sa kanilang mag-asawa, dahil sa maganda at matatag na pagsasama nila. Silang mag-asawa ay nabiyayaan naman ng mga anak, na talaga namang pang-artistahin rin ang hitsura.

Photo Credit: joywsotto/Instagram

Kamakailan nga lamang, ang panganay na anak nila ay naging agaw-pansin sa madla, ito nga ay dahil sa taglay nitong karisma at kagwapuhan. Ito nga ay ang kanilang napakagwapong anak na si Hugo o Vincent Woolbright Sotto.

Photo Credit: joywsotto/Instagram

Ayon sa ulat si Hugo ay nasa edad 16 na, at ito ay isinilang noong ika-24 ng Oktubre taong 2004. Siya ay isang mestizong binata, na mahilig sa musika, kaya naman hindi imposible na balang araw ay pasukin nito ang mundo ng showbiz.

Photo Credit: joywsotto/Instagram

Tila rin nasa personalidad niya ang isang mabuting indibidwal, sapagkat noongmagdiwang siya ng kaarawan niya nung nakaraang taon, imbis na naisin niya ang ipagdiwang ito sa paamagitan ng isang selebrasyon ay mas pinili niyang ibuhos ang araw ng kanyang kaarawan sa pamamahagi ng tulong sa ibang mga kababayan , lalo na sa mga labis na nasalanta noon ng bagyong Ulysses. Kasama niya sa pamamahagi ang kanyang ama.

Photo Credit: joywsotto/Instagram

Sa Instagram naman ni Joy Woolbright, ay makikita ang madalas na pagbabahagi nito ng bonding moments ng kanyang mag-ama, at ang madalas ngang ginagawa ng mga ito ay ang pagkanta, at pag-gigitara.




May mga kapatid rin si Hugo na tulad niya ay artistahin rin ang mga ‘looks’ at ito ay sina Endrigo, Sandro, Rossano, at baby Domiku. Ang kanyang nag-iisang kapatid na babae naman ay si Amari, na talaga namang labis na inaalagaan nila ng kanyang pamilya.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento