Ang mga anak ang isa sa mga pinakamagandang biyaya natanggap ng mga magulang sa kanilang buhay. Ang mga anak rin ay itinuturing na kayamanan ng maraming mga magulang, kung kaya naman talagang lahat ng pag-aaruga at pagmamahal nila ay ibininubuhos ng isang magulang sa kanilang mga anak.
Si Ara Mina na isang kilalang aktres sa industriya ng showbiz, ay isa rin sa mga magulang na labis ang ibinibigay na atensyon at pagmamahal sa kanyan nag-iisang anak. Kamakailan nga lamang, sa kanyang Instagram account, ay nagbahagi siya ng mga magagandang larawan ng kanyang unica hija na si Amanda Gabrielle, at ito nga ay kanyang nikakipan ng napakatamis na mensahe.
Makikita sa mga larawang ibinahagi ni Ara ang namang kagandahan sa kanya ng anak niyang si Amanda. Ang unang larawan na kanyang ibinahagi ay kitang-kita ang napakagandang little bride na si Amanda, na nakasuot nga magarang white ball gown. Kuha ang larawan na ito ni Amanda, sa araw ng kasal ng kanyang inang si Ara.
Matatandaan na kamakailan lamang din ng ikasal ang aktres na si Ara Mina sa asawa na niya ngayon na si Dave Almarinez. Ang napakaganda ngang kasuotan ng anak niyang si Amanda, ay terno ng wedding gown na kanyang suot noong araw ng kasal niya, na ipinasadya mismo niya sa isang mahusay na designer dahil nais nga niyang maging matching-matching sila ng kanyang unica hija.
Narito naman ang naging caption ni Ara sa larawan, kung saan nga ay kanyang inilahad ang labis na pagmamahal niya sa anak niyang si Amanda at kung gaano siya nagpapasalamat na ito ay kanyang naging anak.
“My treasure [red heart emoji] I thank God every day for her. My daughter is one of the greatest gifts I’ve ever gotten. She is a little star and my life has changed so much for a better since she came along”, ang naging saad ni Ara sa caption ng kanyang mga ibinahaging larawan.
Dadga pa niya, “Thank you for being a sweet and good daughter. I love you so much my Amanda Gabrielle.. Tito Dave loves you.. We all love you.”
Bagama’t si Amanda, ay anak ni Ara sa nauna na niyang karelasyon noon, ay makikita naman na tanggap nito ang naging pagpapakasal ng kanyang mommy. Ayon pa nga sa mga ulat, malapit si Amanda kay Dave Almarinez.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento