Ang 50-taong gulang na si Ogie Diaz ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang mahusay na komedyante, maliban pa dito ay talent manager din siya ng ilang mga kilala at bigating artista. Isa rin siyang ‘reporter’ sa mundo ng showbiz.
Pinatunayan ni Ogie ang kanyang husay bilang isang komedyante noong mapabilang siya sa popular na sitcom na “Palibhasa Lalaki” kung saan ay gumanap siya bikang si ‘Pekto’.
Hindi naman inilihim ni Ogie sa publiko ang kanyang pagiging isang ‘gay’, dahil sa simula pa lamang ng kanyang karera sa showbiz ay isinapubliko na niya ito.
Samantala, sa kabila naman ng pagiging ‘gay’ ni Ogie, ay hindi naman ito naging hadlang sa kanya para hindi siya magkaroon ng isang pamilya, kung saan siya nga ay tumayong haligi ng kanilang tahanan at isang responsible at mapagamahal na asawa at ama sa kanyang pamilya.
Sa mga hindi nakababatid, si Ogie Diaz ay 20-taon ng kasal sa kanyang asawang si Georgette de Rosaria, at ang kanila ngang dalawang dekadang pagsasama ay nabiyayaan ng limang mga anak.
Si Erin Diaz ang panganay na anak ni Ogie, na dahil sa angking kagandahan at pagkakaroon din ng karisma, ay agaw-pansin nga ngayon sa social media ang dalaga. Sa ngayon ay hindi lamang kilala si Erin bilang anak ni Ogie Diaz, dahil gumagawa na rin ng sarili niyang pangalan ang dalaga sa pamamagitan ng kanyang pagiging isang mahusay na vlogger.
Makikita sa personalidad ni Erin na tila nga kanyang namana ang pagiging isang mahusay na komedyante ng kanyang ama. Mapapanood kasi sa mga vlog ni Erin ang kanyang pagiging masiyahin at natural sa harap ng kamera, kaya naman talagang marami ang natutuwa at naaliw sa kanya.
Sa isang panayam noon kay Ogie at sa kanyang asawang si Georgette sa programa ng Kapamilya network na “Magandang Buhay” ay inilarawan ng mag-asawa ang panganay na anak nilang si Erin bilang isang mapagmahal at responsableng anak.
Ayon sa mag-asawa, kapag silang dalawa ay parehong abala sa kanilang mga trabaho, ang panganay na anak nilang si Erin ang naaasahan nila, lalo na sa pag-aasikaso at pag-aalaga sa mga kapatid nito.
Ipinagmamalaki naman ni Ogie ang kanyang anak na si Erin, dahil hindi lang ito basta maganda at talentado, lumaki ring may mabuting puso ang kanyang anak.
Matatandaan naman na ng magdiwang ng kanyang ika-18 taong kaarawan si Erin ay talaga namang ito ay labis na pinaghandaan ng kanyang mga magulang.
Kung saan isag napakagandang ‘party’ ang naganap na dinaluhan ng ilang mga bigating artista na kaibigan ng ama niyang si Ogie, kagaya na nga lamang nina Vice Ganda at Liza Soberano.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento