Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sulyapan Ang Naging Pagpapasilip Ni Bianca Gonzales Ng Pagdiriwang ng Ika-6 Taong Kaarawan Ng Kanilang Anak

Ibinahagi ng batikang host ng Kapamilya channel na si Bianca Gonzales nito lamang nakaraan ang masayang pagdiriwang ng ika-6 taong gulang na kaarawan ng kanyang anak na si Lucia. Si Lucia ay anak ni Bianca sa asawa niyang si JC Intal, isang kilalang mahusay na basketball player.




Sa espesyal na araw nga na ito sa buhay ng anak ni Bianca na si Lucia, ay makikita sa Instagram account ni Bianca ang naging pagpapasilip niya sa naging kaganapan sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang anak, kung saan ay ibinahagi nga niya ang mga larawan nila habang sila ay nag-eenjoy sa isang napakagandang beach.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Kalakip ng mga ibinahaging larawan ni Biaca ay ang kanyang nakakantig naman na mensahe para sa panganay na anak niyang nagdiwang ng kaarawan. Paglalahad ni Bianca sa kanyang IG post, bilang isang ina, ay maswerte siya sa kanyang anak na panganay, dahil ito ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na maging isang una.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Inilarawan din ni Bianca ang panganay niyang anak na si Lucia bilang isang masunuring bata, mapagmahal at responsableng anak. Ibinahagi rin niya ang pagiging isang beach lover ng kanyang anak.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

Makikita naman sa mga larawan na ibinahagi ni Bianca na labis ang naging kasiyahan at enjoyment nilang magpamilya habang sila ay nasa beach at ipinagdiriwang nga ang kaarawan ng panganay na anak. Kitang-kita rin ang naging mother-and-daughter bonding ni Bianca at Lucia sa kanilang naging pagtampisaw sa napakagandang tubig dagat.

Photo Credit: iamsuperbianca/Instagram

May ibinahagi ring larawan si Bianca ng solo photo ni Lucia, kung saan ito nga ay nasa may mababaw na bahagi ng dagat at nakaupo, at masaya ngang nakangiti sa kamera, halatang masaya ito sa kanyang kaarawan.

Nagbahagi rin su Bianca ng family photo nila, kung saan sila nga ng kanyang asawang si JC Intal at ang kanilang dalawang anak ay nasa may tubig dagat, kung saan ay makikita ngang si Bianca ay nakayakap sa anak niyang si Lucia habang ang isa naman nilang anak ay pasan-pasan ng kanyang mister na si JC.




Si Bianca Gonzales ay mas nakilala ng publiko bilang sikat na host ng Kapamilya reality tv show na Pinoy Big Brother, habang ang kanyang mister namang si JC Intal ay isa ding sikat na basketbolista sa ating bansa. Taong 2014 ng ikasal silang dalawa, at sa kasalukuyan nga ay matatag at masayang nagsasama kapiling ang dalawa nilang anak.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento