Marami ang hinahangaan ngayon ang aktres na si LJ Reyes, ito ay dahil sa kanyang ipinamalas na katatagan at katapangan matapos ang naging hiwalayan nila ng aktor na si Paolo Contis na halos 6-taon din niyang nakarelasyon at ama nga ng kanyang anak na si Summer.
Upang maprotkesyunan niya ang kanyang mga anak sa isyu ng naging hiwalayan nila ng dating karelasyon, ay lumipad nga patungong Amerika kung nasaan ang kanyang pamilya, si LJ kasama ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer.
Sa kabila ng mabigat niyang pinagdaanan ay naging matatag si LJ, ito ay dahil kanya ngang naging sandigan at lakas ang kanyang mga anak, ay ang kanyang pananampalataya at pagkapit sa Panginoon. “Be still and know that I am God.”
“Psalm 46:10 Has has entrusting and surrendering everything to God change your life? It’s an everyday commitment but the peace that we get in God’s loving arms is like no other. I am still Father and I know that you are God”, ang naging saad ni LJ sa kanyang social media post kalakip ang mga nag-gagandahan niyang mga larawan kasama nga ang kanyang dalawang anak.
Tila nga naman matapos ang naging masalimuot na pangyayari sa kanyang buhay pag-ibig, ay makikita nga ngayon kay LJ at sa kanyang mga anak ang masaya at maayos na buhay nila sa Amerika.
Sa mga larawan ngang ibinahagi ni LJ, ay makikita ang ilang mga larawan nila ng kanyang mga anak, may isa nga na larawan lamang nila ng anak niyang si Summer, kung saan ay masisilayan na sa kanilang mag-ina ay walang nagpatalbog sa pag-pose.
Kalakip nga ng larawan na ito ni LJ at Summer ay ang caption ng aktres na;
“Shine bright as Summer my love!?? Di ko siya kinaya! Sabi lang sa kanya pose, tapos tuloy tuloy na siya? Swipe all the way to the last photo then caption it.”
Makikita naman sa separate post ni LJ ang larawan nila ng kanyang anak na si Aki, na napaka-sweet boy naman talaga ang peg. “Holding your hand through thick or thin! But with tickles on the side??, ang caption naman ni LJ sa larawan nila na ito ng anak niyang si Aki.
Para nga sa maraming mga netizens ay isang inpirasyon si LJ, hindi lang dahil sa katapangan na ipinamalas niya bilang isang babae at ina, kundi dahil na rin sa kanyang walang katumbas na pagmamahal na ipinapadama sa kanyang mga anak sa kabila ng lahat ng kanyang mga pinagdaanan sa buhay.
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens; “Continue to be a good strong and brave woman because God has a great plan for your life and your family.”
“God, loves you LJ. Just stay strong and happy with your kids.”
“It’s good to see you all that you’re really happy with joy and full of love…… Keep safe and healthy to your family. God bless… LJ and kids..?”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento