Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mga Netizens Humanga Sa Isang 15-Taong Gulang Na Babae Dahil Sa Na Ipong 200 Na Medalyang Natanggap Na Mga Parangal

Halos karamihan sa atin ay naranasan ang maging estudyante, kaya naman batid natin na hindi biro ang maging isang mag-aaral, dahil upang makamit ang ninanais na medalya at parangal sa tuwing nagtatapos ang klase, ay kinakialangan talaga na pagbutihin at paghusayan ang pag-aaral.




Kung kaya naman naging inspirasyon para sa maraming mag-aaral ang isang dalaga na kamakailan lamang ay naibalita dahil sa kanyang nakakabilib na dami ng naipong medalya, na kinilala ngang si April Cristelle T. De Leon.

Image Credit via Google

Ayon sa ulat, si April Cristelle ay 15-taong gulang na mula sa Lingayen, Pangasinan, at ang kanyang naipon ngang medalya ay umabot na sa bilang na 200 piraso. Dahil sa dami ng mga medalya ng dalaga ay nag-viral ang kanyang kuwento sa social media. Marami ang talagang namangha at bumilib ng ilatag ni April Cristelle ang kanyang naparaming mga medalya.

Image Credit via Google

Kung titignan ay hindi lamang nga sangkatutak na medalya ang naipon ng dalagam dahil marami rin siyang mga certificates, tropeyo at beauty pageant sash. Ang lahat nga ng mga ito ay naipon ng dalaga mula noong siya ay bata pa, at masasabi nga noon pa lamang ay achiever na ang dalaga at mahusay sa kanyang eskwela dahil sa dami ng naipon niyang parangal.

Image Credit via Google

Tunay na nakakabilib ang husay at galing ni April, dahil mula nga Grade 1 hanggang siya ay mag Grade 10 ay top 1 siya sa klase. Pagdating naman niya sa kanyang Junior High ay hindi nga baba sa 96 ang grado na kanyang nakukuha, kaya naman nakamit niya ang pagiging highest honors, hanggang sa kanilang pagtatapos ay nakamit niya naman ang pagiging valedictorian ng kanilang batch.

Image Credit via Google

Hindi lamang matalino si April, dahil may angking kagandahan din ang talaga ‘beauty and brain’ ika nga. Madalas din siyang sumasali sa mga beauty pageant, kung saan nakuha nga niya ang ibang mga tropeyo, na may kasama pang cash prize, at ito nga ay karagdagan sa kanyang mga achievements.




Sa kasalukuyan ay plano ng dalaga na ipagpatuloy sa Chicago ang kanyang Senior High School, at kapag siya nga ay nakapagtapos na, ay babalik naman siya sa Pilipinas upang kunin sa kanyang pangarap na Unibersidad ang medical course na BS Biology.

Isa ngang inspirasyon ngayon si April sa maraming mga kabataang Pilipino, na hindi lamang nag-aaral ng mabuti para sa pagtupad ng kanyang pangarap kundi upang mabigyan din ng kasiyahan ang kanyang mga mahal na magulang.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento