Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mag Kaibigan Ng Kapatid Ni Joshua Garcia Hindi Napigilan Ang Kilig Ng Personal Na Makita Ang Aktor

Kamakailan lamag ay kumalat sa social media ang isang video kung saan ay makikita ang kapatid ng aktor na si Joshua Garcia at kanyang mga kaibigan na gumagawa ng isang vlog, at habang nagvi-video nga ay bigla na lamang naging kapansin-pansin ang ‘kilig reaction’ ng mga kaibigan ng kapatid ng aktor, ito nga ay dahil sa nakita nila si Joshua sa personal.




Sa naturang video nga na ito ni Renza kasama ang kanyang mga kaibigan ay makikita na habang nasa sala sila at nagvi-video nga, ay bigla ngang bumababa ng hagdan ang aktor, at dito nga ay makikita na pigil na pigil ng mga kaibigan ni Renza ang kanilang kilig,

Image Credit via YouTube

at ng pumanhik na nga ang aktor, ay dito na hindi nakapagpigil ang mga kaibigan ng kapatid ng aktor na ilabas ang kanilang kilig kung saan ay halos mapatili nga sila sa sobrang kilig na kanilang naramdaman.

Image Credit via YouTube

Hindi naman kataka-taka ang naging reaksyon ng mga kaibigan ni Renza ng makita nila ang aktor, ito nga ay dahil si Joshua Garcia ay isa sa mga hinahangaan at kinakikiligang aktor sa industriya ng showbiz, hindi lang dahil sa kanyang husay bilang isang aktor kundi dahil na rin sa lakas ng kanyang karisma at taglay niyang kaguwapuhan.

Image Credit via YouTube

Taong 2015 ng magsimulang makilala at mahalin ng publiko si Joshua Garcia, ito nga ay ng siya ay maswerteng mapabilang sa Pinoy Big Brother bilang isang housemates.

Image Credit via YouTube

Sina Geo Garcia at Marife Espineli ang mga magulang ng aktor, at siya nga ay may nakatatandang kapatid nababae, ito ay si Renza, na mas matanda lamang ng isang taon sa kanya.

Image Credit via YouTube

Lorenza Mae Garcia, ang buong pangalan ng nakatatandang kapatid ng aktor, kung saan maliban sa pagiging ‘stage sister’ niya kay Joshua, ay napag-alaman din na isang mapagmahal at maasikasong ina si Renza sa anak nitong si Skyler.

Video Credit: Renza Garcia/YouTube

Marami ang hindi nakakaalam na isang single mother si Renza, ngunit hindi naman niya ito ramdam sapagkat punong-puno siya ng pagmamahal at suporta ng kanyang buong pamilya, lalo na nga ng kapatid niyang aktor.




Malaki nga ang pasasalamat ni Renza sa kapatid niyang si Joshua, dahil sa pagmamahal at suporta na ibinigay nito sa kanilang pamilya, maging sa kanyang anak, na pamangkin nga nito.

Hindi tulad ni Joshua, ay pribado ang buhay ng kanyang ate na si Renza, at ito nga ay nagtatrabaho sa isang cosmetic clinic, bilang isang tech dermatologist.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento