Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Ryzza Mae Dizon Masayang Ibinahagi Ang Pagpapatayo Ng Kanyang ‘Dream House’ Para Sa Pamilya

Marami sa atin ang kinagiliwan ang bibong bata na si Ryzza Mae Dizon. Nakilala siya bilang si Aling Maliit ng pasukin niya ang mundo ng showbiz noong taong 2012. Nagsimulang magbukas ang mga oportunidad kay Ryzza Mae sa mundo ng showbiz ng siya ang magwaging ‘Little Miss Philippines’, na isa nga sa mga segment ng GMA noontime show na Eat Bulaga.




Matatandaan na unang ipinamalas ni Ryzza ang kanyang taglay na kabibohan at angking husay pagdating sa pagho-host ng siya ay magkaroon ng sarili niyang programa sa GMA-7, kung saan ito nga ay ang ‘The Ryzza Mae Show’ na umere sa telebisyon magmula taong 2013 hanggang 2015.

Image Credit via YouTUbe

Dahil sa naging magandang takbo ng kanyang sariling programa ay mas hinangaan pa nga ng marami ang husay sa pagho-host ni Ryzza, at dahil dito sa mura niyang edad ay mas lalo pa ngang gumanda ang takbo ng kanyang karera kung saan mas marami pang oportunidad ang nagbukas sa kanya.

Image Credit via YouTUbe

Batid ng marami sa atin na si Ryzza Mae ay namulat sa kahirapan ng buhay ng kanyang mga magulang, kaya naman noon pa man ay pangarap na niyang maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. At dahil nga sa oportunidad na dumating sa kanya sa mundo ng showbiz, ay unti-unti na ngang natupad ang mga pangarap niya para sa kanyang pamilya.

Image Credit via YouTUbe

Mula sa pagiging isang bibo na bata, ngayon nga ay labing -anim na taong gulang na si Ryzza Mae, at kung noon ay kilala siya bilang isa sa mga batang kinagigiliwan ng maraming mga manonood, ngayon naman ay kilala siya ng publiko bilang isang aktres, host at TV personality. Napapanood din natin si Ryzza sa longest running noontime show na Eat Bulaga ng GMA-7, kug saan ay isa siya sa ikalawang pinakabatang host ng nasabing programa.

Image Credit via YouTUbe

Samantala, nito lamang namang nakaraan ay masayang ipinasilip ni Ryzza sa publiko ang isa sa mga pangarap niya na unti-unti na niyang natutupad, at ito nga ay ang kanyang pagpapatayo ng ‘dream house’ nila ng kanyang pamilya.

Video Credit: Ryzza MAe Dizon/YouTube

Makikita sa social media account ni Ryzza ang pagbabahagi niya ng ilang mga larawan ng ipinapagawa niyang bahay, na kinunan nga niya ng bumisita siya sa site nito sa Pampangga kasama ang kanyang pamilya.




“Under construction na po ang aming dream house”, ani Ryzza sa kanyang caption.
Kapansin-pansin din sa mga larawang ibinahagi ng 16-taong gulang na Eat Bulaga host na si Ryzza ang magandang tanawin kung saan itinatayo ang kanilang dream house, lalo na’t masisilayan ang napakagandang view ng Bundok Arayat.

Marami namang mga netizens at tagahanga ni Ryzza ang nagpa-abot ng kanilang kasiyahan at pagiging proud para kay Ryzza sa panibagong achievement niya.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento