Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Matapos Iwan Ang Showbiz Dating Miyembro Ng EB Babes Na Si Lian Paz Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon

Natatandaan niyo pa ba ang all-female dance group noon na “EB Babes”? sila ay isang grupo ng mga naggagandahan at nagseseksihang kababaihan na mahuhusay gumiling at sumayaw. Sumikat ang grupo nila noong taong 2006 hanggang 2008.




Photo Credit: liankatrina/Instagram

Isa sa mga seksi at magandang dilag na kabilang sa EB Babes ay si Lian Paz. Siya rin ang itinuturing na pinaka-leader ng grupong ito. Ang mga kasamahan ni Lian sa grupong EB Babes ay sina Anne ‘Hopia’ Boleche, Joyce Burgos, Angel Coronel, Mae dela Cerna, Saida Diola, Kim Guevarra, Gene Maranan, Madel Palma, at Belle Rivera.

Matatandaan na minsan na ngang naka-showdown ng grupong sexbomb ang EB babes, at ito ay talagang inabangan ng marami nilang mga tagahanga. Ang sexbomb ay isa rin sa mga sikat na all-female group noon, na pinangungunahan naman ng actress-dancer na si Rochelle Pangilinan.

Photo Credit: liankatrina/Instagram

Samantala, ilan nga sa mga naging miyembro ng EB Babes ay nagkaroon ng karelasyon na ‘celebrity’, kagaya na lamang ng pinaka-leader nito na si Lian Paz na naging nobyo noon ang aktor at komedyanteng si Paolo Contis na tumagal din ng apat na taon.

Photo Credit: liankatrina/Instagram

Noong magkaroon ng panayam si Lian, kay Roderick Paulate ay kanyang ibinahagi kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni Paolo Contis, sa kabila ng pagkakaroon na nila ng dalawang anak na babae na sina Xonia at Xalene.

Photo Credit: liankatrina/Instagram

Ayon mimso kay Lian, ang aktor ng nakipaghiwalay sa kanya, at ito ang nagdesisyon na tapusin ang kanilang relasyon. “I think nae-exh𝔞ust na ako sa mga problem𝔞 na dumarating na dapat pinag-uusapan naming dalawa. Tsaka hindi sa akin nanggaling yung hiwalayan. Siya yung nakapag-dec𝔦ded, una sa lahat, to leave me with my k𝔦ds”, ang naging saad ni Lian sa nasabing panayam.

Photo Credit: liankatrina/Instagram

Saad pa ni Lian, may naganap na “third party” nu’ng maghiwalay sila ng aktor, ngunit ito ay hindi umano taga-showbiz. Pinilit pa umano ni Lian na isalba ang relasyon nila, para na rin sa kanilang mga anak, ngunit dahil hindi naman nakikipag-cooperate si Paolo ay tuluyan na nga itong nauwi sa paghihiwalay.

Ang pangyayaring ito ang nag-udyok kay Lian na iwanan ang kanyang karera, at mas bigyang pokus na nga lamang ang kanyang mga anak.
Sa kasalukuyan ay masayang namumuhay si Lian, kasama ang kanyang mga anak sa dating karelasyon si Paolo Contis at sa piling ng lalaking nagpapatibok ngayon sa kanyang puso na si John Cabahug.




Kamakailan nga lamang ay lumabas ang ulat ang patungkol sa masayang buhay pag-ibig ngayon ni Lian sa piling nga ni John, isang businessman. Ayon pa sa ulat, si Lian at John ay dating magkaklase sa elementary at high school. Ang kanilang magandang pagtitinginan ay nagsimula ng kunin ni John na endorser si Lian para sa kanyang negosyo.

Si John ay may mga anak din sa dati nitong karelasyon, ngunit sa kabila nito ay maayos ang kanilang relasyon ni Lian at maging ang mga anak nila, na kung magturingan ay para na ring tunay na magkakapatid.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento