Noong dekada 90 ng magsimulang makilala sa industriya ng showbiz ang dating aktres na si Rica Peralejo. Sa murang edad ay sumabak na siya sa pag-aartista, at ang una ngang programa na kanyang kinabilangan sa telebisyon ay ang “Ang TV.”
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na sa ilang taon rin sa showbiz ni Rica ay marami din siyang naging proyekto, kagaya na lamang ng mga pelikula o teleserye sa telebisyon.
Ngunit sa kabila ng kasikatan na kanyang tinatamasa noon, ay pinili nga niyang talikuran ang mundo ng showbiz na naging malaking bahagi na ng kanyang buhay. Ito ay dahil sa mas pinili niyang mamuhay ng simple at tahimik kasama ang kanyang naging asawa na isang Christian Pastor, na si Joseph Bonifacio.
Marami namang nagbago sa buhay ni Rica ng siya ay mag-asawa at magkaroon na nga ng sarili niyang pamilya. At ang mga ito nga ay makikita sa social media accounts niya, kung saan madalas niyang ibahagi ang buhay niya ngayon bilang isang ina at maybahay.
Kahit na hindi na isang artista na napapanood sa telebisyon, ay umaani pa rin ng paghanga mula sa publiko si Rica, at ito nga ay dahil sa kanyang pagiging simple at pagiging laging masaya lamang sa kanyang buhay.
Kamakailan nga lamang ay muling umani ng paghanga mula sa netizens ang dating aktres, ito nga ay matapos niyang ipahayag kung gaano siya kasaya sa kanyang buhay ngayon kapiling ang kanyang asawa’t dalawang anak na sina Philip Nathaniel at Manu.
Samantala, sa IG ng dating aktres ay makikita kung gaano kasimple ang buhay nito ngayon. Madalas kasi siyang magbahagi ng kanyang mga larawan, kasama ang kanyang mga anak, kung saan ay makikitang simpleng damit lamang ang suot niya, at minsan pa ay magulo ang kanyang buhok at walang make-up ang kanyang mukha.
Hindi naman ito alintana ng mga tagasuporta ng dating aktres, sapagkat ang mas napapansin nga nila kay Rica ay ang kasiyahan nito na kitang-kita sa mga ngiti nito.
Sa kasalukyan nga ay 40-taong gulang na si Rica Peralejo, ngunit nanatili naman ang pagiging fresh young looking niya, ito marahil ay dahil sa hindi umano siya nagpapa-apekto sa mga negatibong komento ng tao patungkol sa ‘lifestyle’ nilang mag-asawa.
Ayon nga sa kanya, mula ng siya ay magkaroon ng sariling pamilya, ay natutunan niya ang magsawalang-kibo sa mga hindi magandang sinasabi ng mga tao.
“I so love this about us. It has been ten years of never being concerned of how we looked to others, whether they thought we were poor or old fashioned or weird, just because our values were never about the latest car, latest city, latest anything,” kwento ng aktres sa kaniyang Instagram account.
Kahit naman wala na sa industriya ng showbiz si Rica Peralejo, ay hindi pa rin naman siya tumutigil sa pagawa ng mga bagay na makapagbibigay inspirasyon sa marami. Mas madalas na nga natin siyang napapanood ngayon sa kanyang YouTube channel, kung saan siya nagbabahagi ng ilang mga ganap sa buhay niya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento