Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Sulyapan Ang Ika-16 Taong Kaarawan Ng Panganay Na Anak Ni Dawn Zulueta Na Si Jacobo

Noon lamang ika-19 ng Oktubre, araw ng Martes ay nagdiwang na ng ika-16 taong kaarawan si Jacobo, ang panganay na anak ng aktres na si Dawn Zulueta at ng kanyang mister na si Antonio Lagdameo Jr. Sa edad nga ng anak ni Dawn ngayon ay talaga namang may binata na itong anak.




Sa Instagram ng aktres ay makikita ang naging pagbabahagi niya ng throwback photo nila ng anak niyang si Jacobo kalakip ang kanyang matamis na mensahe at pagbati para rito.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

“I used to carry him like this but it’s the other way around now. He’s too shy, he won’t let me show a current photo of him. So, I’m posting to remind our son… that’s whether you have become a teenager or grow to be an old man, you will forever be our little bundle of joy”, paunang mensahe ni Dawn.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

Dagdag na saad pa niya ay ang pasasalamat niya sa anak, dahil sa pagbibigay nito ng kasiyahan sa kanilang buhay. Inilahad din niya ang kanyang matamis na pagbati para sa anak niyang si Jacobo at ang pagmamahal niya rito.

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

“Thank you for bringing a smile to our face every day.” “Happy 16th birthday Jacobo; and may God’s mercy & grace be always upon you! I love you to the moon and back.”
May naging sweet reply naman si Jacobo sa mensahe na ito ng kanyang ina, kung saan ito nga ay sinagot niya ng “Thank you mama! Love you!”

Bumuhos naman ng maraming pagbati para kay Jacobo
“happy family…. Happy birthday to your beloved son… more birthday to come and good health..”

Photo Credit: dawnzulueta/Instagram

“She is my favorite actress, her beauty is real never fade, happiest birthday my idol always keeps safe and take a good health.” “Happy birthday more blessings and Good health and God bless and take care.”




Si Dawn Zulueta ay isa sa mga pinakamagagandang aktres mula noon hanggang ngayon. Sa kabila ng nagkaka-edad na ay makikita nga na wala paring kakupas-kupas ang taglay niyang kagandahan maging ang husay niya bilang isang artista.

Maliban sa pagiging isang aktres ay isa ring mapagmahal na ina at asawa rin si Dawn sa kanyang pamilya. Siya ay ikinasal kay Antonio Lagdameo Jr., at sila nga ay mayroong dalawang anak, kung saan ang panganay nga ay si Jacobo Antonio Lagdameo at ang bunso naman ay si Ayisha Madlen Lagdameo.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento