Kamakailan lamang ay marami ang nasiyahan sa magandang balita sa buhay ng Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz, at ito nga ay ang pagiging engage niya sa kanyang boyfriend na si coach Coach Julius. Ginanap noong ika-15 ng Oktubre ng kasalukuyang taon sa Sheraton Hotel, Resorts World Manila ang nasabing wedding proposeal ni Coach Julius para sa kay Hidilyn.’
Makikita sa Instagram account ni Hidilyn ang pagbabahagi niya ng masaya at hindi malilimutang pangyayari na ito sa kanyang buhay. Maliban pa dito, ay naging agaw-pansin din sa lahat ang ibinahagi niyang larawan, kung saan ibinida naman niya ang kanyang napakagandang gintong engagement ring.
Kung noon nga ay ang medalyang ginto na kanyang nakuha sa Tokyo Olympics ang ibinibida ni Hidilyn, ngayon nga ay dalawang ‘precious gold’ na ang ipinagmamalaki niya sa lahat, dahil isa ring gold diamond ring ang natanggap niyang engagement ring mula sa kanyang nobyong si Julius.
“It’s YES! It was a magical moment with @imjulius. I’m grateful to God that He sent Julius into my life, he make my life easy, alam ng iba kung ano ang mga isinakripisyo niya para maabot namin ang pangarap na ginto sa Olympics together with #TeamHD,
nun laro kinilig at masaya ako kasi siya mismo ang nagsabi God is the center of our relationship, kaya walang duda magyeYES ako dahil swerte ako may isang Julius nagmahal, nag-intindi, at sumuporta sa akin”, ang inilagay na caption ni Hidilyn sa kanyang ibinahaging larawan.
Nagpasalamat din si Hidilyn sa lahat ng mga taong tumulong sa kanyang fiancée para maging matagumpay at memorable nga para sa kanilanng dalawa ang gabi ng pagpo-propose nito sa kanya.
“Thank you sa lahat ng mga kasabwat ni Julius, magaling po kayo, naging meaningful ang gabi dahil sa inyo.” Marami namang mga netizens ang agad na napansin ang napakagandang engagement ring ni Hidilyn. Hindi lamang kasi ito ginto, kundi talagang agaw-pansin din ang disenyo nito na ipinasadya pa nga umano ni Coach Julius sa Manila Diamond Studio.
Nakset na gintong band ang naturang engagement ring ni Hidilyn, at ito nga ay may disenyong barbel. Sa Instagram account ni Noel Ferrer, ay kanyang ibinahagi ang isang video kung saan ay ikinuwento nga ng fiancée ni Hidilyn na si Coach Julius kung paanong nabuo ang ideya ng napakaganda at kakaibang engagement na ibinigay niya sa kanyang kasintahan.
Ayon nga kay Coach Julius ang Manila Diamond Studio ang nagdisenyo ng naturang singsing, kung saan ay sinabi nga niya sa mga ito kung ano ang nais niyang maging disenyo ng singsing na aangkop nga sa pagkapanalo ng nobya ng gintong medalya sa nakaraang Tokyo Olympics.
“Manila Diamond Studio helped me design this for her. I told them to make it gold because she won gold. And then, this is a barbell. They engraved Tokyo 2020 inside of the ring. Its custom made and they did a really great job. Actually, I don’t know how many carats it is but it looks kinda big”, pagbabahagi ni coach Julius.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento