Kamakailan lamang ay muling nagbigay aliw sa kanyang mga tagasubaybay ang tv host-actor na si Luis Manzano. Ito nga ay atapos niyang ipakita sa kanyang panibagong vlog ang naging masayang pakikipag-bonding niya ng Zumba sa kanyang inang si Vilma Santos-Recto ang tinaguriang “Star For All The Season” sa industriya ng showbiz.
Talaga namang nakakaaliw ang vlog na ito ni Luis, lalo na’t makikita rito ang naging ‘sweet’ na kulitan nila ng kayang inang si Vilma, na kung tawagin nga niya ay ang kanyang ‘momskie’. Makikita pa ngang masayang tinuturuan ni Luis ang kanyang ina at ang iba pang kasamahan nito sa pagsu-Zumba ng kanyang mga alam na dance steps.
Ang mas ikinatuwa pa ng mga netizens sa vlog na ito ni Luis ay ang kanyang kasuotan, kung saan siya nga ay nag-outfit pa ng pang Zumba instructor, sabay nagbiro sa kanyang ina, na kaya niya pinasok ang pagsu-zumba instructor ay dahil sa ‘gipit’ nga umano siya sapagkat wala ng iniaabot na paayuda ang kanyang momskie.
“Gusto kong sabihin na kaya ko pinasok ‘to dahil gipit ako”, ang hirit nga ng TV host-actor.
“Wala kang inaabot lately. Nasanay ako na may konting paayuda. Ngayon, nganga”, dagdag pa ni Luis habang kausap ang kanyang Momskie na si Vilma.
Marami nga naman talaga sa mga netizens ang natuwa sa masayang Zumba bonding na ito nina Luis at Vilma Santos-Recto, lalo na nga ng ipakita na ng tv host-actor sa kanyang momskie at sa mga ka-classmate nito sa Zumba ang di umanoy kanyang mga Zumba moves.
Ilan nga sa mga nakakaaliw na Zumba moves ni luis na itinuro niya sa ina niyang si Vilma at sa mga kasama nito ay ang tinawag niyang “open-open”, “offer-offer”, “the shake”, “lick it”, at ang kanya nga umanong signature dance na “gwapo dance.”
Samantala, karamihan naman sa mga netizens na nagbigay komento sa vlog na ito ni Luis, ay sinabi na sila ay talaga namang nasiyahan na makitang magkasama na nagba-bonding ang mag-inang Luis at Vilma.
Video Credit: Luis Manzano /YouTube
Narito nga ang ilan sa mga komento ng mga netizens;
“You should always have your mom included sa mga vlogs mo. Very positive ang vibes niyong dalawa.”
“Dancer talaga si Vilma, dali niyang nakuha ang steps. Grabe kayong mag-ina sumakit ang tiyan ko sa kakatawa. Salamat sa pagpapasaya sa amin ngayong pandemic.”
Si Luiz Manzano ay isang kilalang Tv host at aktor sa industriya ng showbiz. Siya ay anak ng nina Vilma Santos at Edu Manzano. Sa kasalukuyan, siya ay kasal na sa aktres na si Jessy Mendiola.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento