Anim na taon ng mag-asawa sina Heart Evangelista at Chiz Escudero. Si Heart ay kilala sa tunay na buhay bilang si Love Marie Ongpauco, samantala si Chiz naman ay kilala bilang si Francis Joseph Escudeo.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami sa atin, na nagkaroon ng unang asawa si Chiz bago si Heart, ito nga ay ang kanyang dating asawang si Christine Elizabeth Flores. Taong 1999 ng ikasal si Chiz sa dati niyang asawa, at sila ay nabiyayaan ng kambal na anak na sina Maria Cecila at Joaquin Cruz, ngunit matapos ang ilang taong pagsasama, taong 2011 ay nauwi ang kanilang pagsasama sa hiwalayan.
Samantala, sa ngayon nga ay anim na taon ng kasal si Chiz kay Heart, at sa kabila nga ng malaking agwat ng kanilang edad sa isa’t isa, ay hindi naman ito hadlang sa pagmamahalan nila.
Kamakailan nga lamang ay nakapanayam ng TV host na si Karen Davila ang mag-asawang Heart at Chiz, at sa panayam ngang ito ay itinanong ni Karen sa mag-asawa ang ilang mga katanungan na mula sa mga netizens.
Isa nga sa mga naibatong katanungan kay Heart, ay ang patungkol sa pagbili niya ng mga mamahaling gamit. Tanong nga ng mga netizens, ay kung pera ba ng kanyang asawang si Chiz ang pinambibili ni Heart.
Agad naman itong sinagot ng aktres, at ayon nga sa kanya, ang perang ipinambibili niya ng mga personal niyang gamit, ay mula sa kanyang ipon at kita, bilang isang personalidad sa showbiz. Dagdag pa ni Heart, ngayon ay mas malaki ang kanyang kinikita kahit na bihira siyang mapanood sa mga pelikula o serye, ito ay dahil sa kanyang mga online activities,
kagaya na lamang ng kanyang YouTube channel, collaborations at endorsement niya.
Naibahagi pa nga ng aktres, na ngayon ay mas proud siya dahil sa nakapagpundar na siya ng sarili niyang beach resort sa Boracay, na minsan na nga niyang ipinasilip sa kanyang vlog.
Maliban sa nasabing katanungan, ay naitanong din kay Heart na kung sakali bang mambabae ang kanyang mister, ay iiwan ba niya ito? Na agad naman niyang sinagot na hindi niya ito iiwan, bagkus ay mas pipiliin niyang patawarin ito dahil mahal niya.
“Because I lš¯”¬ve him, I don’t lš¯”¬ve him as a lš¯”¬ver, I lš¯”¬ve him also as a friend. Ibig sabihin, lš¯”¦ke what? So you guys are gonna have your happy endš¯”¦ng. No! I’m going to stay with you till the end.”
“I am not gonna be crš¯”²el. I’m still gonna be very lovš¯”¦ng buy you know, I’m not gonna gš¯”¦ve you your happy endš¯”¦ng. I am stayš¯”¦ng!”
Matatandaan na taong 2015 sa Balesin Island, Polilo Quezon, Ikinasal sina Heart at Chiz. At sa kabila ng hindi pa nila pagkakaroon ng anak, ay masaya naman ang kanilang buhay sapagkat ang kambal na anak ni Chiz sa kanyang dating asawa ay anak na rin kung ituring ni Heart.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento