Tunay ngang ang takbo ng pamumuhay ng isang tao ay hindi permanente, sapagkat anumang oras o panahon ay maari itong magbago depende sa magiging pagsusumikap ng isang tao. Ganito ang pinatunaya ng isang 30-taong gulang na si Joy Binuya, dahil mula sa kanyang buhay basurera noon ay isa na nga siyang matagumpay na negosyante ngayon.
Katulad ng ibang mga matatagupay na negosyante marami ring naranasang pagsubok si Joy Binuya bago niya narating ang pagiging isang matagumpay na businesswoman. At isa nga sa talagang naging pagsubok sa kanya, at ang buhay nila noon kung saan ay danas na danas niya ang kahirapan sapagkat tanging pagbabasura lamang ang kanilang pinagkakakitaan.
Talaga namang nakamamangha ang kuwento ng tagumpay sa buhay ni Joy, sapagkat mula sa kanyang hanapbuhay noon na pangangalakal ng basura, sinong mag-aakala na ngayon ay isa na siyang matagumpay na negosyante. Siya nga ay nagmamay-ari na ng isang beauty essentials business, ay mayroon siyang labing-apat na staff, kung saan iba sa mga ito ay kanyang mga kapatid.
Ikinuwento ni Joy sa PEP.ph ang istorya ng kanyang buhay, kung saan ayon nga sa kanya ay bata pa lamang siya ng maulila siya sa kanyang ama, at dahil sa kahirapan ay maaga din siyang natuto sa buhay, kung saan 4-taong gulang pa lamang nga siya ay sumabak na siya sa pamamasura at habang siya ay lumalaki ay kung ano-anong trabaho ang pinasukan niya upang makaraos sa buhay.
“I was 5 years old when my father died from heart attack… Wala kahit pisong naiwan.”
“Yung nanay ko naman, walang trabaho that time and buntis pa sa bunso namin.”
“She thought of many ways to earn like gumawa ng basahan, mag-manikurista, mananahi, and yung pinaka naging work niya ay ang pamamasura.”
Ayon pa nga kay Joy ang pinaka naging daan ng kanyang tagumpay ay ang pagiging masinop niya sa perang kanyang kinikita. Bawat piso nga na kanyang kinikita ay talaga namang kanyang iniipon.
Dahil sa naging matagumpay na buhay ni Joy, ay nagawa na niyang makabili ng kongkretong bahay para sa kanyang pamilya. Mula nga sa giba-giba nilang bahay noon, ngayon ay magagawa pa niyang ipa-renovate ang maayos at kumportableng bahay na kanyang nabili.
Kung noon nga ay nagda-dropship lamang si Joy ng mga beauty products na kanyang ibinebenta, ngayon nga ay siya na mismo ang nagsu-supply ng mga produkto.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento