Noong taong 90’s ay maraming mga kilalang artista ang talaga namang sumikat sa industriya ng showbiz, ngunit ilan nga sa kanila ay bigla na lamang nawala sa industriya ng hindi natin nababatid kung ano ng aba ang dahilan.
Isa sa mga artistang sumikat at nakilala sa showbiz noong 90’s ay ang dating aktres na si Giselle Anne Toengi-Walters o mas nakilala ng marami noon bilang si G Toengi. Kung ikaw ay batang 90’s malamang ay kilala mo siya, ay may mga pelikula at proyekto siya na iyong matatandaan.
Si G Toengi ay isa sa mga naging popular at sikat na aktres sa Pilipinas noong taong 90’s, siya rin ay isa mga maituturing na may magandang mukha noon sa industriya.
Marami ring proyekto at pelikula ang nagawa ni G Toengi, ito ay dahil sa kanyang galing at talento sa pag-arte. Ilan nga sa mga hindi malilimutang pelikula na ginawa ng dating aktres ay ang Aryana, Istokwa at Luksong Tinik.
Ngunit marami ang nagtaka na kung bakit sa kabila ng kanyang kasikatan noon at umaarangkadang career bilang isang aktres ay bigla na lamang nawala sa industriya si G Toengi.
At ngayon nga, makalipas ang 20-taon ay malalaman na natin kung ano ba nag naging dahilan ng dating aktres, upang magdesisyon siya na bitiwan ang kanyang namamayagpag na career noon at tuluyang lisanin ang showbiz.
Sa isang videocall interview ng GMA Network talkshow, ay napanayam ng host na si Vanessa del Moral ang dating aktres na si G Toengi, at dito na nga naibahagi ng dating aktres ang dahilan sa paghinto niya sa pag-aartista.
Isa nga sa mga naging katanungan ni Vanessa kay G Toengi ay ang naging pag-alis nito sa industriya.
“90’s ‘it girl, dire-diretso, tiloy-tuloy ang project. Sobrang sikat na sikat. Why leave and stop showbiz? tanong ni Vanessa. “That’s a hard question Vaness because I didn’t understand it 20 years ago when I left. But now when I’m older I understand that there were things that just didn’t feel right.” Ang naging kasagutan naman ng dating aktres.
“Ang ibig sabihin lang nun, maski sikat ka, may trabaho ka, pag alam mon a hindi yon yung mga bagay na nafu-fulfill sayo… it wasn’t material, it wasn’t superficial. It was I didn’t understand the disparity in the Philippines on why ang daming naghihirap tapos ang daming umaalis ng bansa”, dagdag pa nga ni G Toengi.
Inamin rin ng dating aktres sa naging panayam sa kanya, na naging mahirap para sa kanya ang naging desisyon niya noon at may mga pagkakataon na pinagsisihan niya ang pag-give up niya sa maraming mga bagay.
Nalaman rin natin na matapos iwanan ni G Toengi ang showbiz, ay tinupad nito ang isa sa kanyang mga pangarap. Nagtungo ang dating aktres sa Amerika, at doon ito nag-aral, kung saan ay natapos niya ang kanyang Master Degree sa Nonprofit Organization.
Sa naging panayam sa aktres, at sa naging pagbabahagi nito ng dahilan niya sa pag-alis sa showbiz, ay nabatid natin na mas importante kay G Toengi na ma-fulfill ang bagay na talagang kanyang pinapangarap at gustong maabot sa buhay, kaysa gawin ang isang bagay na tila hindi naman umaayon sa talagang gusto niya. Ano ang masasabi niyo sa naging pag-amin ng daing aktres, na dahilan sa kanyang pag-alis sa showbiz?
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento