Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kilalanin Si Arabella Ang Napakagandang Bunsong Anak Nina Ricky Davao At Jackie Lou Blanco

Talaga nga namang ang tagumpay ng mga anak ay tagumpay rin ng mga magulang. Kaya naman, labis ang kaligayahan ng mga magulang kapag ang kanilang anak ay natupad na ang mga pangarap sa buhay. At isa na nga rito ang pagkakaroon ng Bachelor’s Degree o ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.




Bagama’t maraming mga pagsubok ang mararanasan sa pag-aaral ng mga anak, mapalad ang mga magulang na sa kabila ng mga pagsubok ng mga anak sa kanilang pag-aaral ay nagawa pa rin ng mga ito ang makapagtapos.

Photo Credit: aradavao/Instagram

Ganito kapalad ang mag-asawang Ricky Davao at Jackie Lou Blanco dahil ang kanilang bunsong anak na si Arabella Davao ay nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo. Ang kanilang kaligayahan ay ibinahagi ng mag-asawa sa social media kung gaano sila ka-proud sa bunsong anak nila na si Arabella.

Photo Credit: aradavao/Instagram

Noong May 31, 2019, natupad ni Arabella ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo sa Ateneo De Manila University. Hindi naman pinalampas ng magulang na sina Jackie Lou at Ricky ang pagkakataong ito upang saksihan at suportahan ang tagumpay sa buhay ng kanilang anak. Sa Isang Instagram post, ibinahagi ni Jackie Lou at Ricky ang tagumpay na nakamit ng kanilang bunso sa pamamagitan ng isang sweet na mensahe.

Photo Credit: aradavao/Instagram

Ipinahayag nga ni Jackie Lou sa post kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang anak at ayon pa sa aktres, parati lamang itong nasa tabi ng kanyang bunso upang suportahan ang anumang nais niyang makamit sa buhay. Binati rin ito ng aktres sa tagumpay nito, at sinabi na hindi siya magsasawang gabayan ang anak sa anumang landas na tatahakin nito, sa tagumpay, kaligayahan at kahit pa ito’y kabiguan at kalungkutan.

Photo Credit: aradavao/Instagram

Samantala, ang ama naman nitong si Ricky ay idinaan sa isang simple ngunit sweet na mensahe ang pagsuporta at pagbati sa bunsong anak. Pahayag pa ng beteranong aktor, labis niyang ipinagmamalaki ang anak at lagi niya itong gagawin sa anumang tagumpay na makakamit nito. Ipinahayag rin ng mag-asawa ang kanilang pagmamahal sa kanilang bunso kung saan ang kanilang mensahe para sa anak ay nagtapos sa isang matamis na “I love you”.

Photo Credit: aradavao/Instagram




Marami ang naantig at humanga sa post ng mag-asawa na kung saan ay talagang umani ito ng mga positibong komento mula sa mga netizens. Kapansin-pansin naman ang taglay na kagandahan ni Arabella na hindi naman maitatanggi na nagmana at nakuha sa kanyang mga magulang ang magandang lahi.

Hindi maikakaila na nakuha ni Arabella sa ina ang magandang mukha dahil nahahawig ito sa aktres. Maliban kay Arabella, may 2 anak pa sina Jackie Lou at Ricky, sina Kenneth and Rikki Mae.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento