Si Joshua Garcia, ay isang actor na masasabi nating matagumpay ang karera sa industriya ng showbiz. Siya ay unang nakilala sa telebisyon, ng maging isa siya sa mga housemates sa Pinoy Big Brother House (PBB).
Hindi man pinalad na maging big winner sa PBB reality tv show, ay naging daan naman ito upang maging matagumpay ang karera ng binata sa pagiging isang artista. Kabi-kabilang mga proyekto, at marami pang pinto ng oportunidad ang nagbukas sa kanya.
Isa nga si Joshua Garcia sa masasabi nating binatang aktor ngayon na may matagumpay na karera sa industriya ng showbiz. Mas higit pa nga siyang hinangaan at sinuportahan ng mga manonood ng maging katambal niya ang aktres na si Julia Baretto, kung saan ang tambalan nila ay minahal ng maraming mga manonood dahil sa kilig na hatid nila sa bawat proyektong kanilang pinagsasamahan.
Lubos naman ang kasiyahan ng pamilya ng binata, sa lahat ng tagumpay na narating nito ngayon sa kanyang buhay. At isa nga sa talagang masaya sa lahat ng tagumpay na ito ni Joshua sa kanyang karera sa showbiz industry, ay ang kanyang napaka-supportive na ate.
Si Lorenza Mae, ay ang nakatatandang kapatid ni Joshua Garcia, na lagi siyang sinusuportahan sa lahat ng kanyang mga pangarap. Isa din siya sa mga kapatid ni Joshua na talagang malapit sa binata.
Madalas nga na nakikita si Lorenza Mae na tumutulong sa kanyang kapatid na si Joshua, lalo na sa backstage. At bilang isang mapagmahal at supportive na ate, ay lagi rin siyang sumasama sa mga tapings at shootings ng proyekto nito. Isa din siya sa mga avid fan, at miyembro ng fan base ng kapatid na si Joshua.
Maliban nga sa pagiging isang mapagmahal at supportive na ate, ay isa ring mabuting ina si Lorenza Mae sa kanyang anak na si Skyler. Nagtatrabaho rin siya bilang isang tech dermatologist sa isang skin care cosmetic clinic.
Marami naman ang nagsasabi na, nababagay na maging artista rin si Lorenza Mae, tulad ng kanyang kapatid na si Joshua dahil sa pagkakaroon nito ng charming personality at natatanging ganda.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento