Natatandaan niyo pa ba ang inaabanangan at kinakikiligang Meteor Garden Fever noon? kung saan ay bumida ang Taiwanese star, singer at model na si Jerry Yan o si Liao Yang Zhen na gumanap bilang si Dao Ming Si, ang tinuturing na leader ng grupong F4 at naging katambal ng karakter ni San Chai.
Isa nga ang Meteor Garden sa mga big hit na ipinalabas ng Kapamilya Network sa ating bansa. Taong 2001 ng inere ito ng nasabing Network, kung saan ay maraming mga young adults ang talagang inaabangan ito noon tuwing hapon bago pa man umere sa telebisyon ang balita.
Hindi nga basta-basta makakalimutan ng mga bata noon ang palabas na ito, lalo na ang kilig na hatid nito. Isa nga sa mga kinakiligan at hinangaang karakter sa Meteor Garden noon ay si Dao Ming Si, na ginampanan nga ng Taiwanese aktor na si Jerry Yan.
Ngunit sa paglipas nga ng ilang mga taon mula ng mapanood natin sa ating bansa ang Meteor Garden Fever, ay kamusta na kaya ang mga bida nito lalo na si Dao Ming Si?
Halos ilang taon na nga rin ang lumipas ng mapanood natin ang Meteor Garden, at ngayon nga ay 42-taong gulang na ang Taiwanese aktor na isa sa mga bumida rito noon. Kahit nga ilang taon na ang lumipas, ay patuloy pa ring pinamamangha ni Jerry Yan ang kanyang mga tagahanga sa angkin niyang kakisigan.
Kahit pa nga ba 42-taong gulang na si Jerry Yan , ay masasabi natin base sa kanyang mga larawan na tila hindi ito tumanda ng husto dahil sa taglay pa rin nito ang kanyang gwapong mukha at matipunong pangangatawan na kinakiligan ng maraming mga Pilipino noon.
Ayon nga sa mga taganga ni Jerry Yan, bago pa man lumabas at maging popular ang mga Korean actors na kinakikiligan ng maraming mellenials ngayon, ay mas naunang kinakiligan at minahal ng mga Pilipino noon ang mga gwapong Taiwanese aktor na nakilala bilang mga F4 sa Meteor Garden.
Ilan ding mga netizens ang nagbahagi, na noon ay isa rin sila sa mga agad-agad umuuwi sa kanilang tahanan paglabas sa kanilang klase, upang maabutan nila ang pinapanood at sinusubaybayan nilang Meteor Garden drama series.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento