Kilala at at madalas mapanood ang kontrabida aktor na si King Gutierrez noong taong 80’s hanggang 90’s, kaya naman siguradong yung mga ipinanganak ng 90’s ay natatandaan pa siya.
Isa nga sa mga hindi makakalimutan sa kanyang pagiging kontrabida ay ang kanyang pagkakaroon ng matapang na karakter, na talaga namang kinakatakutan sa mga pelikula na kanyang ginagawa.
Ang kanya ngang madalas na karakter sa mga pelikula ay isang kontrabida na laging tumatayong leader ng mga masasamang tao sa pelikula, kaya naman talagang tumatak na siya sa isipan ng maraming manonood noon.
Pero alam niyo ba, na ngayon ay malayong malayo na ang career na tinatahak ni King Gutierrez kumpara sa pagiging isang kontrabida niya noon?
Dahil ngayon, ang dating kontrabida aktor ay isa ng politician, kung saan ay isa siyang councilor ngayon sa Bacoor, Cavite.
Kasama ang kanyang asawa , at kambal na anak mula sa kanilang dating tirahan sa Quezon City ay sa isang subdibisyon na sa Bacoor naninirahan sina King Gutierrez.
Ngunit bago nga naging councilor si King sa Bacoor, ay naging isa muna siyang Deputy Agent of Videogram Regulatory Board sa Senado noong 2003, at matapos nga nito ay agad niyang itinuloy ang pagpasok sa pulitika hanggang sa maging miyembro siya ng Philippines Councilor League.
At dahil sa pagiging isa niyang mabuting counsilor na nagbibigay serbisyo sa kanyang nasasakupan, ay tinagurian siyang best counselor ng Calabarzon noong August 11, 2015.
Taong 2016, ay muli rig nare-elect bilang councilor si King Gutierrez, ito ay dahil nakita ng kanyang mga kababayan ang dedikasyon niya sa sinumpaan niyang tungkulin.
Makikita rin sa social media accounts ni King, na aktibo pa rin siya sa pagbibigayn update sa kanyang buhay kahit siya’y retiradong aktor na. Ilan nga sa mga makkikitang mga larawan sa kanyang social media, ay ang mga larawan niya kasama ang kanyang asawa at kambal na anak.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento