Nakilala sa larangan ng pag-awit at pag-arte si Geneva Cruz. Ang kanyang karera ay nagsimula noong siya ay maging lead singer ng popular na grupo noon na Smokey Mountain. Siya rin ang kauna-unahan at pinakabatang nakasungkit ng Grand Prize Winner ng The Voice Asia noong taong 1992 na ginanap sa Alma, Khazakhstan.
Hindi lamang nga sa larangan ng pag-awit nakilala si Geneva, dahil pinatunayan din niya na pagdating sa pag-arte ay mayroon din siyang ibubuga. Ilan sa mga pelikula na kanyang kinabilangan kung saan ipinamalas niya ang husay niya sa Filmography ay ang pelikulang ‘Anak ng Pasig’, ‘Secret Love’, ‘Weit a Minute’ at marami pang iba. Kinarir din niya ang pagiging performer host noong taong 1995 hanggang 2001 sa TV show na ASAP.
Samantala, isang achievement naman ang nakamit ni Geneva sa kanyang buhay nito lamang nakaraan, at ito ay ang pagiging parte niya ng Philippine Airforce kung saan ngayon nga ay isa na siyang ganap na reservist, matapos niyang dumaan at malagpasan ang matinding training.
Ibinahagi ni Geneva sa kanyang Instagram post ang lahat ng mga natutunan niya sa naging training niya para maging isang ganap na reservist ng Philippine Airforce.
“Respect. Loyalty. Honor. Big words I learned as a kid but never really truly fully grasped – until now”, ani Geneva sa kanyang IG post.
Ayon sa dating aktres, sa naging pagsabak niya sa training at pagiging bahagi na ng nasabing ahensya ay mas humanga pa nga siya sa mga kababayan nating bahagi ng Airforce. Saad pa niya, tunay ngang hindi basta-basta maiitindihan ng sinoman ang buhay ng isang sundalo kung hindi mo mismo susubukan ang maging isa sa kanila.
Mas lalo nga umanong naintindihan ni Geneva ang pagiging magiting ng isang sundalo, ngayon na siya ay isa ng ganap na reservist.
“I realized that you never really get to understand a soldier’s life until you step in their boots.
Today, I step in my boots and flaunt my badge as a proud member of the Philippine Air Force’s reserve command.
It’s been said that the unexamined life is not worth living, and I agree.
But today, as I grow bolder, wiser, and take up the cudgels for women’s empowerment, I say that a meaningful life is worth dying for.”
Ibinagi rin ni Geneva na may mga nagduda rin sa kanyang kakayahan, dahil nga sa siya’y isang babae at dating aktres. “No, this isn’t a movie or a teleserye; it’s real life. If you have doubts if I truly deserve this badge…
Maybe you should enlist, too; it’s time to put your money where your mouth is, and It’s never too late to make something out of your life instead of belittling and frowning upon another person’s passions and truth.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento