Pinag-uusapan ngayong ang Kapuso actress na si Chynna Ortaleza-Cipriano, ito ay dahil marami ngang mga kababaihan at kapwa niya nanay ang talaga namang hinangaan ang maputi at makinis niyang kili-kili, matapos na maibandera niya ito sa isa niyang Instagram photo.
Kamakailan ay nagbahagi si Chynna sa kanyang Instagram account ng kanyang larawan kung saan siya ay nakasuot ng swimsuit habang nasa isang beach sa Nasugbu, Batangas. Sa kabila nga ng hindi pa naman summer season, ay nauna ng magbakasyon at magtampisaw sa beach si Chynna kasama ang kanyang mister na si Kean Cipriano at ang kanilang mga anak.
Makikita sa Instagram ni Chynna ang naging pagpapasilip niya ng naging masayang pagbabakasyon nila ng kanyang pamilya sa napakagandang beach, at kitang-kita na talaga namang sila ay nag-enjoy.
Hindi naman nakaligtaan ng Kapuso actress na umawra habang sila ay nasa beach, at ang resulta nga nito ay ang mga nagagandahan niyang swimsuit photo. Maliban sa kanyang manipis na tiyan at sexy figure, ay naging agaw-pansin din sa maraming netizens ang napakaputi at makinis na kili-kili ni Chynna na naibandera nga niya sa kanyang mga larawan.
Dahil dito, ay hindi napigilan ng ilang mga netizens na magbigay komento at hingin kay Chynna kung ano ba ang sikreto nito sa pag-achieve ng maputi at makinis na kili-kili. Agad namang sinagot ni Chynna ang mga komento na ito sa pamamagitan din ng isang post.
“Fished out my beach keepsake from years back…. And boom its fits ghorl! Plus my kili-kili is making a comeback. Natural yan. Kuskos at prayers lang”, saad ni Chynna.
Hindi naman napigilan ng maraming netizens ang mapa-sana all ng i-reveal ni Chynna ang sikreto niya sa pagka-achieve ng magandang kili-kili. Tunay ngang nakaka-inggit ang mga babaeng may maputi at makinis na kili-kili, kaya naman sana all Chynna!
Ang pagkakaroon ng isang maputi at makinis na kili-kili ang pinoproblema ng maraming mga kababaihan, lalo na ang mga nanay na. Batid natin na kapag ang isang babae ay nagbuntis ay dumaranas nga ito ng pagbabago sa kanyang katawan,
at isa nga sa mga nangyayari sa isang buntis ay ang pangingitim ng kanilang kili-kili, kaya naman marami talaga ang mga momshie na namomroblema kung paano nila maibabalik ang dating puti at kinis ng kanilang kili-kili matapos nilang manganak.
Ayon sa siyensya ang pangingitim ng kili-kili ay dahil sa hormonal balance ng isang tao, at ito ay mas madalas ngang nararanasan ng isang babaeng buntis.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento