Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Judy Ann Santos Ibinahagi Ang Nakakaantig Na Mensahe Para Kay Mommy Carol Sa Pagdiriwang Ng 75th Birthday

Isa sa pinakamahalaga sa buhay ng isang tao ay ang kanyang mga magulang, kung saan kahit dumating man nga ang panahon na magkaroon na tayo ang kanya-kanya nating buhay dahil sa pagbuo natin ng ating sariling pamilya ay hindi pa rin mawawala sa atin ang alalahanin, bisitahin at bigyan ng kasiyahan ang ating mga magulang, lalo na sa espesyal na okasyon ng kanilang buhay.




Sa ating pagtanda, ay batid natin na tumatanda din ang ating mga magulang, kaya naman tunay na mahalaga na may nailalaan pa rin tayong oras sa kanila sa kabila ng ating pagiging abala sa sarili nating buhay.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Ang Kapamilya actress na si Judy Ann Santos – Agoncillo, ay isa sa mga artista na batid natin kung gaano kalapit sa kanyang ina na si Mommy Carol. Alam ng marami na magmula pa lamang ng magsimula si Juday sa kanyang showbiz career noong siya ay bata pa ay si Mommy Carol na niya ang naniwala sa kakayahan niya at una-unag nagbigay suporta sa kanyang pangarap na maging isang artista.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Kaya naman sa pagdiriwang ng ika-75 taong gulang na kaarawan ni Mommy Carol ay nagbahagi si Judy Ann o mas kilala natin sa tawag na Juday ng snaps photo nila ng kanyang mommy kung saan ay kitang-kita pa rin kung gaano sila kalapit sa isa’t isa at kalakip nga nito ay ang nakakaantig niyang mensahe para sa kanyang ina.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

“Yesterday we celebrated the most precious and special diamond ever… our rock, our prayer warrior.. our mother… Thank you Ma for everything… for teaching us how to live and love and treasure family first above anything and everything… you are my one and only priceless diamond [red heart emoji]”, ang naging madamdamin ngang saad ni Juday sa unang bahagi ng kanyang mensahe para sa ina.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Nagpaabot din ng kanyang pasasalamat si Juday sa lahat ng mga nasa likod ng matagumpay at masayang pagdiriwang ng ika-75th birthday ng kanyang Mommy Carol.
“with a little help of our friends @pioskitchen @balloonsandbloomsph @robblancaflor @theflourgirl @diongsky @tippyf thank you for helping me put together this simple but very meaningful celebration.”




Pinasalamat din ng Kapamilya actress ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo, dahil sa suporta nito at kahanga-hangang ideya.
“@ryan_agoncillo thank you bub for all your wonderful ideas, it wouldn’t be this amazing without you”, saad pa ni Juday.

Bumuhos naman ang maraming pagbati para kay Mommy Carol mula sa mga netizens. Naging agaw-pansin din sa bumabahang mga komento ang komento ni Ryan Agoncillo sa naturang larawan na ibinahagi ng misis niya kung saan ay nakasaad nga ang katagang “Dyamante!”


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento